By A Web Design Company

Inspeksiyon sa MMTC

  • PDF

 

Source: Bandera

Tumungo kahapon sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar Tanauan, Batangas, ang mga opisyal ng Philippine Racing Commission na pinangungunahan ni Chairman Angel Castaño Jr., Executive Director Jesus Cantos, at iba pang commissioners at personnel.

Ayon kay Cantos, ang dalaw ay isang site inspection upang malaman kung handa na ang pista ng MMTC para sa karera at kung maayos at kumpleto na ang mga facilities nito.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng "dry run" sa naturang bagong karerahan, na tinampukan ng apat na kabayo. Ayon sa napagtanungan kong hinete, maayos naman daw ang resulta ng dry run.

"Expected lang naman iyon," sabi ng kausap ko, "dahil bago ang pista". Dahil nagawa na ang racing schedule para sa taon, hindi na magkakaroon ng regular races doon sa loob ng 2012. Ngunit maari rin namang magtampok ng mga dry run at exhibition races doon.

Nakapagpaskil sa facebook ang ilang mga dumalaw sa Marlvar noong dry run. Ang isang nakita kong maganda photo set ay kinunan ng asaw ng hinete.

sa halos 100 litrato, naipakita ng kumuha ang kagandahan ng Marlvar. Maganda at malinis ang club-house (may billiards table pa nga at fully finished) at grandstand na kaitsura ng sa Santa Ana Park sa Naic.

Ang upper level nito ay may bleachers na kamukha ng sa San Lazaro Leisure Park ang multi-colored plastic chairs na naka-install. Ang Area na ito ay hindi pa pintado at sementadong kinis pa lang.

Ang kabilang side ay parang kapareha noong sa old Santa Ana Park sa Makati noon na may "kural" o stalls para sa grupo ng mga mananaya.

Ang saddling paddock ay halos kamukha ng sa SLLP na nasa tabi ng grandstand. Fully-finished na rin ito na may pintura sa labas at rails at numero para sa entries. Ang Stewards stand ay mataas na structure parang "yung sa Makati Santa Ana Park noong araw.

Ang jockeys' quarter ay barracks-style na mayroon nang mga double deck beds. May ilaw na rin para sa night racing.

Wala akong nakitang litrato ng stables.

Ayon sa aking nakapanayam, halos hindi kinonsulta ang mga hinete noong construction phase ng Malvar, di tulad ng Santa Ana Park na maraming beses humingi ng guidance sa mga jockeys na direktang gumagamit ng pista at silang mas nakakaalam ng mga kailangan.

Wala nga raw jockeys' quarters noong una sa Malvar, pnaalala lang raw ito ng mga hinete. Wala rin akong nakita sa mga litrato na roofed provisions para sa broadcast camera. Noong dry run, may dalawang camera na nakapatong sa separate wheeled platforms na walang bubong -- paano na lang pag umulan? Ngunit maari naman mag-address ang mga issues na ito bago mag-umpisa ang operations doon.

Kasama sa franchise law ng MMTC (RA 7978 and amended by RA 8298) at sa PR (Philippine Racing rules and regulations) and checklist ng equipment na required magkaroon ng karerahan bago ito payagang mag-operate.

Isang nasa checklist ang totalizator betting machines at system. Meron na kaya ang Malvar? Abangan na lang natin ang magiging findings ng Philracom.

Last Updated on Thursday, 20 September 2012 08:37