By A Web Design Company

Karera kinansela

  • PDF

Source: Abante Tonite

Kinansela ang mga karerang nakatakda sanang gawin kagabi sa San Lazaro Leisure & Business Park sa Carmona, Cavite.

Ito'y dahil na rin sa lawak ng pagbaha sa buong Kamaynilaan kung saan nakalagay ang karamihan sa mga off-track betting stations.

Siyamnapu't limang porsyento ng mga OTB's ang nakakalat dito at karamihan ay apektado ng mataas na pagbaha at hindi na muna puwedeng magamit pansamantala.

Habang isinusulat ito, wala pang katiyakan kung itutuloy ang karera ngayong Miyerkules.

Hindi sinalanta ng matinding pag-ulan na nagsimula noon pang Linggo ang dalawang karerahan sa Cavite.

Pero ang mga daan papunta sa karerhan ay hindi na passable o hindi na madaanan gaya na rin ng karamihan ng parte ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ilang mga horse trainers na nakausap ng Abante Tonite ang nagsabing nagpa-ensayo pa raw sila ng mga kabayo dahil pabugsu-bugso lang ang pag-ulan sa magkabilang pista ng SLLBP sa Carmona at Santa Ana park sa Naic.