By A Web Design Company

Magandang innovation

  • PDF

 

Source: Abante Tonite

Isang napakagandang innovation itong ginawa ng Manila Jockey Club sa kanilang online webpage kung saan makikita ang mga resulta ng kanilang mga karera.

Hindi lang ako ang tumitingin sa mga webpage ng dalawang karerahan kundi napakaraming karerista na humahawak din ng computers na gustong malaman ang mga resulta ng karera.

Kahapon ay nagulat tayo nang makita natin na meron na silang inilagay na bagong box sa loob ng mga resulta kung saan makikita na ninyo ang viedeo replay ng bawat karera.

Kahit ilang ulit ninyong i-replay ito ay puwede, at puwede rin ninyo itong i-freeze na maganda pa rin ang resolution.

Nakita natin ang hindi magandang pagkatalo ni Gabo kung saan tumilapon ang kanyang hineteng si jockey Jeffril Zarate habang sumalpok naman sa kanya 'yung malakas na dumarating na si Lady Pegasus. Kaya tumilapon din si jockey Kelvin Abobo

Ang balita sa amin ng aming kumpadre at MJCI steward na si Jess Villanueva, sumargo raw ang ilong ni Gabo kaya nakita sa video na medyo pinipigil niya ito subali't "nagkambing" ito at pumunta sa labas ng balya.

HIndi maganda ang naging "pagbabalik: ni jockey Jeffril Zarate nitong weekend sa San Lazaro Leisure & Business park dahil nagpapalit na ito sa kanyang iba pang mga sakay noong Sabado at Linggo dahil masakit ang kanyang kamay, ayon pa kay Pareng Jess.

Tinalo pa ng bagong ginawang ito ng MJCI ang video replay ng foreign online webpage ng Blood-horse na masyadong mabagal ang streaming.

Sa video ng MJCI, napakalinaw at mabilis pa at sana nama'y magpatuloy na ito.

Talagang saludo tayo, at maging ng marami pang mga karerista sa ginawa ninyong ito.

***

Isang kabayong tinitignan nating gagaling pa sa mga darating na panahon ay si Paynter na nanalo sa haskell Invitational noong weekend sa Monmouth Park.

Ito ang ikaanim na panalo ng batikang trainer na si bob Baffer sa prestihiyosong karera para sa mga 3-years-olds.

Siya na ngayon ang may pinakamaraming panalong trainer sa 45-taong history ng Haskell at unang trainer din na makatatlong sunod na panalo kasunod ng mga panalo nina Lookin at Lucky noong 2010 at Coil ng nakaraang taon.

Ang tatlong iba pa niyang panalo ay kina Point Given noong 2001, War Emblem noon 2001, at Roman Ruler noong 2005.

Ngayon lang hindi kumain ng hotdog sa naturang karerahan ang operado nang si baffert dahil nasa bahay lang niya ito. Manmanan natin ang kabayong Paynter na ito.