By A Web Design Company

Philracom, umamin na kulang sa pagsusulong ang pangangarera sa bansa

  • PDF

Source: Balita

Umamin ang Philippine Racing Commission na salat sa pagpapalaganap at propaganda ang industriya ng karera upang makilalal ng bagong henerasyon ang sports horse racing sa bansa.

Kasabay nito inihayag ng Philracom na wala sa kanilang kamay ang ibenta sa publiko ang industirya sa pamamagitan ng malawakang pagsasagawa ng promotion upang  makilala ang horse racing bilang isant sports na nag-aambag ng buwis sa gobyerno at nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming mamamayan dahil isa lamang silang taga-pagpatupad ng mga batas at reglamento sa karera.

Tinukoy ng Philracom na dapat magtulung-tulong ang mga horse owner at ilang sektor sa industirya sa pangunguna ng dalawang pangunahing racing club sa bansa, ang San Lazaro Leisure Park at Santa Ana Park sa Cavite.

Wala umanong sapat na pondo ang Philracom para balikatin pa ang pagsusulong sa horse racing at may limitasyon ang kapangyarihan at kakayahan ng komisyon sa industriya.

Ayon kina Philracom Chairman Angel Castaño at Racing Director Comm. Jess Cantos, kung ang Racing commission ay magiging 'authority' puwede na nilang balikatin at pakialaman ang promotions ng karera dahil magkakaroon sila ng sapat na pondo para dito.

Malaki ang magagawa ng mga horse owner at racing club operator kung magtutulung-tulong sila sa pagtustos sa pagsusulong ng industriya ng karera.

Naalala ko tuloy si Albert Trinidad, dating horse owner at founding President ng Klub Don Juan de Manila na itinayo ni Partylist Cong. Mikee Arroyo bilang founding chairman.

Naging masigla ang karerang iyon sa pamamagitan ni Trinidad dahil pinalakas niya ang promotion sa karera sa pamamagitan ng pagtatayo ng pahayagan at pagkakaroon ng programsa sa telebisyon.

Buhay na buhay ang karera noong araw lalo na ng magkaroon tayo ng grandslam Triple Crown champion, ang Silver Story, noong 2001 na talaga namang pumutok sa mga pahayagan at telebisyon.

Kung hindi mapagtutuunan ng pansin ang unti-unting pagpatay sa industriya ng karera sa bansa sa pamamagitan ng malawakang pagpo-promote dito, nakakabahalang ito'y tuluyan nang makalimutan bilang isang sports na naghahatid ng kita sa gobyerno at hanapbuhay sa maraming mamamayang Pilipino.

Marami po sa umaasa sa pangangarera ay mga hinete, sota, helper, trainer, hinete, inseyador, tailler at iba pang mangagawa sa dalawang karerahan.

Ilan lang po yan sa libu-libong mangagawa na nakikinabang sa industriya ng kabayo at dalangin ko na huwag naman mamatay dahil kumukonti ang tumatangkilik sa karera dahil sa kakulangan ng promotion.