By A Web Design Company

2 mananakbo, aabangan ng mananaya

  • PDF

Source: Balita

Matapos ang ginawang rekord ng Hagdan Bato ni Mayor Benhur Abalos sa katatapos na Triple Crown championship, may bagong aabangan naman ang mga karerista at ito ay ang Ballet Flats ni Sixto Esquivias at Hot and Spicy ni Joseph Dyhengco na nagwagi sa 1st leg Juvenile Stakes races na ginanap noong Sabado at Linggo sa Santa ana park sa Naic, Cavite.

Tinanghal na kampeon sa Fillies division ang Ballet Flats habang ang Hot and Spicy naman ang nagwagi sa Colts division kung saan ay pinagkalooban sila ng premyong P300,000. Ang dalawang mananakbo ay kapywa tumawid sa 1,000 meters.

Matapos magwagi ang Ballets Flats at Hot and Spicy, itinakda naman sa San Lazaro Leisure park ang 2nd Leg ng Juvenile Fillies at Colts sa Agosto 11 at 12 na pawang may garantisadong premyo na P.5 milyon.

Sa nabanggit na petsa, muling patutunayan ng dalawang nagwagi kung sila na ang mahigpit na maglalaban sa 2012 Juvenile Championship at 2013 Triple Crown championship.

Samantala, sampung araw na lamang ang hihintayin ng "Bayang karerista" at maiibsan na ang kanilang pananabik dahil muli nilang masisilayan ang kanilang hinahangaang imported champion ng Juggling Act sa 4th Leg Imported-Local Challenge race sa Santa Ana Park.

Yes mga 'igan, inaabangan na  ng mga tagahanga ang Juggling Act ni Hermie Esguerra sa darating na Agosto 5 sa pag-alagwa ng 2012 Philracom Peridot race sa Philippine RAcing Club, Inc. (PRCI).

Makakalabana ng Juggling Act ang Born Tycoon, Botbo, Doan Nenita, Indy Hay, Rain shower, Spinning Jenny at Striding Ahead.

Tatawirin ng mga kalahok ang 1,900 meters na may premyong P.5 milyon kung saan ang mananalo ay pagkakalooban ng P300,000 habang P112,500 naman sa 2nd placer, P62,500 sa 3rd at P25,000 sa 4th placer.