By A Web Design Company

Hagdan Bato VS Magna Carta, inaabangan

  • PDF

Source: Balita

Kung may mga kareristang naghahangad na masaksihan ang laban ng dalawang kampeon na Hagdan Bato kontra Juggling Act ay may ilan naman ang nagnanasa na makitang maglalaban ang dalawang lokal kabayong kampeon ang Hagdan Bato laban Magna Carta.

Yes mga igan, inaabangan na ng Bayang Karerista ang labanan magaganap sa pagitan ng dalawang kampeon sa hanay ng mga lokal na mananakbong kabayo na Hagdan Bato at Magna Carta sa isang malaking laban.

Labis na humanga ang isang itinuturing na racing aficionados na dati rin naman naging horse owner na si Chino Pamintuan, sa iginuhit na kasaysayan ng Hagdan Bato sa industriya ng karera.

Ayon kay Pamintuan muling binuhay ng Hagdan Bato ang tumatamlay na industriya ng karera.

Matapos ang ginawang pagsungkit ng Grandslam title ng Hagdan Bato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa isang impresibong panalo laban sa mahigpit nitong karibal na Humble Riches, isang magandang laban ang pinapangarap ng mga karerista ang makakaharap nito ang 2011 presidential Gold Cup champion na Magna Carta ni Ley Mayor Sandy Javier.

Sa nakalipas na 11 taon ngayon lang muli nagkaroon ng granslam champion sa Triple Crown na unang pinagwagian ni Silver Story noong 2011.

Sa ngayon ay pinag-uusapan ang karera dahil sa pinakitang husay ng Hagdan Bato na bukod tanging mananakbong lokal na nagkampeon sa Juvenile at kumupo ng tatlong titulo sa TCC.

Kung ang isang tulad ni Pamintuan na maituturing na naging bahagi ng industriya na naghahangad ng isang magandang laban paano pakay ang mga simpleng karerista na walang patid na sumusubaybay ng karera sa bansa.

Sa kaalaman naman ng publiko sina Mayor Abalos at Javier ay kapwa opisyal ng Marho isang malaking samahan ng mga horse owner sa bansa ay hindi maiiwasan na magkaharap ang kanilang alaga bago pa man matapos ang taon 2012.

Last Updated on Tuesday, 24 July 2012 09:58