By A Web Design Company

Juicy prizes

  • PDF

Source: Abante Tonite

Tulad na rin ng inaasahan, ang bagong Triple Crown champion ng bansa na si Hagdang Bato ang naghakot ng pinaka-malaking premyo mula sa katatapos na serye para sa pinakamagagaling na 3-year-olds sa bansa.

Ang anak ni Quaker Ridge kay Fire Down Under ay nakalikom ng kabuuang P5.9 million mula sa tatlong panalo na nagkakahalaga ng tig-P1.8 million at bonus na P500,000 na kaloob ng nag-isponsor na Philracom.

Ito ang pinakamalaking papremyo na nakuha ng premyadond kabayo ni Mayor Benhur Abalos Jr. sa naturang serye mula pa noong magkampeon si Silver Story noong 2001.

Si Hagdang Bato ang ikasiyam na itinanghal na Triple Crown Series sa bansa mula pa noong nagsimula ang seryeng ito noong 1978.

Ang sumunod na nakakuha ng malaking premyo ay si Humble Riches, na pag-aari ni Kenneth Causon, na may kabuuang P1.375 million. Nasegundo siya sa ikatlo at huling leg ng serye noong Linggo kung saan siya nakamit ng P675,000 at dalawang segundo sa first at secong leg na umabot sa P375,000 bawat isa.

Nasa pangatlong puwesto naman si Patron na nakakolekta ng kabuuang P975,000 mula sa isang segundo sa ikalawang leg at parehong tersero sa first at third leg na nagkahalaga ng P150,000 naman bawat isa.

Nasa pang-apat naman si Steel Creation ni Pierre Niles na nakakuha ng P825,000 mula sa isang segundo sa first leg at tersero sa second leg.

May kabuuan namang P725,000 ang nalikom ni Cinderella Kid kahit na hindi siya sumali sa malaking karera sa tatlong leg.

Naghari siya sa pangatlong Hoperful Stakes na may first prize na P600,000 at natersero naman sa second Hopeful na may premyong P125,000.

Sina Chevrome, Golden Empire at Isa Pa Isa Pa ay may tig-P600,000 naman.

Parehong nakakuha ng tig-P600,000 sina Golden Empire at Isa Pa Isa Pa matapos silang magsipanalo sa first leg at second leg ng Hopeful Stakes habang si Chevrome naman ay natersero sa third leg na may premyong P375,000 at segundo sa Hopeful noong first leg na may premyong P225,000. Ilan pa sa mga nakakuha ng premyo mula sa mayamang serye ay sina Ikel (P275,000), Yes I'm The One (P225,000), Sea Princess (P125,000), Pleasantly Perfect (P125,000), Spring Collection (P100,000), at Pugad Lawin (P50,000).

May kabuuang P15 million ang premyong naipamigay sa mga kabayong nagsisali sa malaking karera at sa mga pansuportang Hopeful Stakes habang P500,000 naman ang napam-bonus sa nagkampeong si Hagdang Bato.

Wala pa rito ang mga breeder's prize na naipamigay sa mga breeders ng nagkampeong kabayo sa anim na karera.

Last Updated on Thursday, 19 July 2012 14:11