By A Web Design Company

Hagdan Bato, Triple Crown champ

  • PDF

 Source: Bandera

Sa wakas, pagkaraan ng 11 taon ng paghihintay, mayroon nang Triple Crown champion ang sambayanang karerista!

Matagumpay na umulit si Hagdang Bato sa ikatlong yugto ng serye ng Philippine Racing Commission para sa elite ( o pinakamataas na antas) na tatlong-taong gulang na local-bred na kabayo.

Ang huling nag-sweep ng Triple Crown ay si Silver Story ni Patrick Uy noong 2001.

Sa karerang ginanap noong Hulyo 15 sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite, matulin na lumabas ang mga kalahok sa pangunguna ni Golden Empire at sinundan lamang siya ni Hagdang Bato.

Pagdating sa harap ng clubhouse, humabol na agad si Hagdang Bato sa pagrerenda ni jockey Jonathan "Unoh" Hernandez hanggang sa makuha ang unahan.

Sa half-mile, pilit na malagpasan ng super-filly na si Humble Riches si Hagdang Bato at nagluchahan ang dalawa hanggang sa far turn.

Dito desedido nang nauna si Hagdang Bato hanggan sa marating ang meta at nanalo pa ito ng limang kabayo ang layo sa sumegundong si Humble Riches.

Tersero si Chevrome, cuarto si Patron. Ang total time ni Hagdang Bato para sa 2,000 meter ay 2:07.8 (26'-24'-26-25-26).

Upang dumating pa ng beinte-sais ang kabayosa ganitong kahaba na karera ay ibig sabihin napakabuti talaga ng kondisyon nito.

Naroon mismo sa SLLP ang may-ari at breeder ni Hagdang Bato, si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, na sinamahan sa pista ng dalawang bus na puno ng kareristang taga-Mandaluyong.

Tuwang-tuwa rin ang trainer na si Ruben Tupas, at siyempre si jockey Unoh, na siya ring sumakay kay Silver Story noong ito ay nanalo ng Triple Crown.

Bukod sa premyong nalaan dito, kay Hagdang Bato mapupunta ang P500,000 bonus prize para sa makaka-sweep ng Triple Crown.

Congratulations din kay Mr. Nathaniel "Nel" Velasco, may-ari ni Cinderella Kid, na siyan namang nanalo ng Hopeful Stakes race na ginanap noong Hulyo 14 sa pagrerenda ni Fernando RAquel Jr. at pagkundisyon ni trainer Buboy Jacob.

ang total time ni Cinderella Kid sa 2,000 meters na karera ay 2:09.6. Segundo si Yes I'm the One, tersero si Pleasantly Perfect at cuarto si Pugad Lawin.

***

"Get well soon" kay former star jockey at Philracom commissioner Eduardo Domingo Jr., na nagka-heart attack (Myocardial infarction) noong Hulyo 10 pagkaraan niyang mag-anchor ng cable TV live coverage ng SLLP.

Isinugod siya sa emergency room ng Lourdes Hospital ng madaling araw ng Hulyo 11 at pagkatapos noon ay dinala siya sa intensive care unit ng the Medical City, kung saan siya ay sasailalim sa bypass operation sa Miyerkules ng umaga.

Nasa mabuting kalagayaan na si Comm.Boboc, masigla at inip na inip na sa ospital. Ipanalangin po natin ang kanyang tuluy-tuloy na paggaling.

Last Updated on Thursday, 19 July 2012 14:12