By A Web Design Company

Cinderella Kid, wagi sa HS

  • PDF

Source: Balita

Nasorpresa ang bayang karerista sa pagkakapanalo ng dehadong Cinderella kid sa katatapos na 2012 Philracom Hope  Stakes race na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Sabado ng hapon.

Sa patnubay ni Jockey Fernando M. Jr., pinakain ng alikabok ng Cinderral Kid ang mga kalaban nito matapos tawirin ang 2,000 meters.

Pumangalawa ang dehadong yes I'm the One, na nagbigay ng P574,000 na dibidendo sa forecast, habang nagbigay naman ng P1,455 sa trifecta dahil sa pumangatlong si Pleasantly Perfect.

Tumataginting na P20,256 naman ang ibinigay na dibidendo sa quartet event dahil sa pumang-apat na Pugad Lawin, habang wala naman nanalo sa Super Six event.

Sa pagbubukas pa lang ng karera agad na pomusisyon ng maganda si Jockey Raquel at naghintay lamang ng pagkakataon habang nagbabakbakan ang mga kalaban nito sa unahan.

Lubhang marami ang nasorpresa sa naganap na laban sa pagkakapanalo ng Cinderella Kid matapos ang mahaba-habang bakasyon at ilang trangkong ibinigay sa naturang kabayo.

Habang isinulat ang balitang ito, kasalukuyan namang nagaganap ang laban ng 2012 Philracom 3rd Leg Triple Crown Championship at inaasahan ng publikong karerista na makukuha ng Hagdang Bato ang grandslam title

Last Updated on Wednesday, 18 July 2012 07:33