By A Web Design Company

History ililista ngayon?

  • PDF

Source: Tonite

Ngayon na ang araw ng pakikipagtuon para makamtan ang karangalang walang hanggan sa lokal na industriya ng karera.

Nakataya ngayon ang karangalan bilang isa sa pinakamagaling na 3-year-old sa bansa sa gaganaping ikatlo at huling leg ng Triple Crown Series sa San Lazaro Leisure & Business Park.

At ito ang hinahangad ng kabayo ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos Jr. na si Hagdang Bato na gagabayan ni jockey Jonathan Hernandez laban sa pitong kalahok sa pinakahuling yugto ng mayamang serye na iniisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Ngayong hapon din gaganapin ang pantaunang Abante Cup na iniisponsoran ng Monica Publishing Corporation.

Puro imported runners ang kalahok na magpupukpukan para sa gross prize na P150,000 para sa mananalo at sila'y kinabibilangan nina Born To Be Queen, Spread My Wings, Santeria, Misteryosa, Kingman Joe, Turf Morr, Gigi's Star, Hold the Bubbly, Take me Tonight, Senorita Nenita.

Ang Panalo rito ni Hagdang Bato ay magluklok sa kanya bilang ikasiyam na kampeon ng Triple Crown Series sa bansa mula nang ito'y pasimulan noon pang 1978.

At katulad ng pitong iba pa niyang makakalaban sa karerang ito na paglalabanan sa mas mahabang 2,000 meters, pinaghandaan ni Hagdang Bato ang pinakamahalagang karera sa kanyang career ngayon.

Kung ano ang hindi nakamit ng kanyang kapatid na si Ibarra sa seryeng ito ay inaasahang makukuha ni Hagdang Bato ngayong hapon kung pagbabatayan ay ang dalawa niyang magaang na mga panalo sa una at ikalawang leg.

At dahil mas humaba pa ang karerang ito, tiyak na mas lalo pang maiibigan niya ito at makapagpapakita pa ng mas magandang performance ngayong hapon para makuha ang kanyang ikatlong first prize na P1.8 million.

Pero hindi ito papayagan ng ganu'n na lang ng pitong iba pang kalahok na kinabibilangan nina: Penrith - Mark alvarez; Golden Empire - kelvin Abobo; Humble Riches - Pati Dilema; Isa pa Isa Pa - Dominador Borbe Jr.; Chevrome - EG Reyes: Patron - Jesse Guce at Steel Creation - Val Dilema.

Nakatitiyak ang bayang karerista na ibibigay ng pitong ito ang kanilang pinakamagaling na performance para hadlangan ang ambisyon ni Hagdang Bato. Pagbukas pa lang ng starting gate ay asahan na ang puwestuhan at gitgitan at matinding hagaran naman sa huling yugto ng karera.

Kung sa tingin nila'y mahihirapan nang talunin si Hagdang Bato rito, nakatitiyak na matinding diskartehan naman ang makikita sa paghabol nila sa segundong puwesto na nagkakahalaga ng P675.000 o kaya naman ay sa tersero na may nakalaang P375,000 at quarto na P150,000.

Last Updated on Wednesday, 18 July 2012 07:33