By A Web Design Company

Hopeful Stakes race, bibitawan ngayon

  • PDF

Source: Balita

Aabot sa 14 na kabayong mananakbong lokal ang maghaharap sa ikatlong yugto ng 2012 ng Philracom Hopeful Stakes race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong hapon.

Tumataginting na P1-milyon ang premyong inilaan para sa unang apat na makakatawid sa finish line.

Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Purple Ribbon ni Hermie Esguerra, Shoemaker, Cutorminos, Top Meat, Ikel, Pugad Lawin, Prince Popeye, Machine gun Mama, Cinderella Kid, Alpha Alleanza, Angat ang Pinoy, Tribal King, Yes I'm The One, At Pleasantly Perfect.

Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 2,000 meters na ang mananalo ay pagkakalooban ng P.6 milyon at tropeo.

May kabigatan ang laban dahil pawang nabigo sa Triple Crown ang ibang kalahok habang ang iba naman ay sumusubok na lumaban sa paniniwalang makatsamba.

Beterano naman ngayon ang husay ng mga bagong kalahok na Prince Popeye, Pugad Lawin, at Machine Gun Mama.

Last Updated on Wednesday, 18 July 2012 07:33