By A Web Design Company

Kailangan lang tignan

  • PDF

 

Source: Abate Tonite

Maganda ang lineup ng Manila Jockey Club nitong mga nagdaang araw kaya maraming karerista ang nalilito raw sa pagpili ng mga mananalo.

Noong isang araw ay nangahilo raw lalo sila nang kung sinu-sinong dehado ang nagsisulputan sa meta.

Maganda naman daw itong nangyayari dahil napapatunayan na hindi porke't dehado ay hindi na puwedeng manalo.

Ang kailangan lang daw bantayan 'yung mga llamado na "nagpapatalo ng garapal pero hindi nakikita ng mga awtoridad kaya nadadaya ang mga kawawang mananaya".

Ang paratingan daw ng mga exotic bettings gaya ng winner-take-all at Pick-6 ang kadalasang kinakikitaan ng mga kaduda-dudang resulta lalo't nagkadehaduhan na sa mga uang karera.

***

Marami ang nagtatanong kung bakit nawalan ng sakay si jockey Jeffril Zarate sa dalawang malalaking karera ng Triple Crown Series ngayong weekend.

Ang dahilan po ay ang patuloy na pagiging banned pa rin ni jockey Zarate sa pista ng San Lazaro Leisure & Business Park hanggang ngayon.

Kasama ang stakes races at ang pagbabawal sa kanyang pumasok sa karerahan sa Carmona ang dahilan kaya wala siyang sakay bukas at sa Linggo.

***

Ang pahabol nating ng pagbati ng belated happy birthday sa ating kinakapatid na si Makati Mayor Junjun Binay, na nagdiwang ng kayang kaarawan kahapon.

Maaga natin siyang nabati noong Miyerkules ng gabi nang magkita kamisa huling lamay ng namayapang butihing ina ng aking bayaw na si Dennis.

Masasabi nating isang horse-lvoer itong si Mayor Junjun dahil lagi siyang may nakahandang kuwento kapag kabayo at mg major players dito ang napag-uusapan.

***

Maraming kuwadra ang naghihintay sa resulta ng mga juvenile races sa susunod na linggo.

Magsisimula na ang unang leg ng juvenile colts at juvenile series na iniisponsoran ng Philippine Racing Commission na maghuhudyat sa pagsisimula ng mayamang pakarera para sa 2-year-olds sa bansa.

Kahit may ilang kritiko ang serye, isang malaking tulong ito at insentibo sa mga investors na bumibili ng mga yearlings at 2-year-olds at mga breeders nito.

Kung hindi dahil sa serye, kakaunti ang tinitignan nating mag-i-invest nang husto para sa magagaling na mga batang kabayo.