By A Web Design Company

Kakulangan sa kabayo

  • PDF

ABANTE TONITE – APRIL 19, 2012

Sa nalalapit na pagbubukas ng ikatlong karerahan sa bansa, isang malaking problemang kinakaharap ng industriya ng karera ay itong kakulangan ng mga kabayong magsisitakbo. Ito’y dahil sa anim na araw na mga karerang nagaganap tuwing lingo na tiyak na magkakaroon ng malaking epekto sa kundisyon ng mga kabayo. Halos nasa 3,000 kabayo na lang ngayon ang rehistrado at mas mababa pa ang mga tumatakbo sa bilang na ito sa magkabilang karerahan. Kaya nga tayo lagging nakakakita ng mga karerang lima o anim na lang ang mga kalahok. Hindi nagging matagumpay ang breeding sa bansa. Iilan ang masasabing large-scale horse-breeders at ang iba namang naroon sa Batangas (ang sinasabing Kentucky ng Pilipinas) ay masasabing mga “backyard breeders” (sila yung may dalawa o hindi hihigit sa limang mga palahing kabayo).

Kaya pinayagan ang importasyon ng kabayo mula US, Australia, at New Zealand lalo na nung tamaan ng peste ang local racing industry. Malaking tulong ang importasyon dahil medyo napunuan ang kakulangan ng mga kabayong nagsisitakbo rito. Sa ngayon, ang Pilipinas ay nahuhuli pa rin kung ikukumpara sa mga racing countries sa Asia tulad ng Japan, Singapore, Hongkong at Malaysia. Maraming beteranong racing fanatics ang magugulat sa pinakahuling balita na mag-invest ang Coolmore (isa pinakamalaking racing operations sa buong mundo) sa pakikipagtulungan ng Irish government sa makabagong throughbred industry na sisimulan sa China.

Sa Tinajin City sisimulan sa 2013 racing project ng China na merong dalawang racetracks, limang training tracks, 4,000 stalls, isang equine clinic, isang kolehiyoat isang auction facility. May 100 inahin ang sisimulang i-deliver ng Coolmore sa mga susunod na panahon sa China. The (racing and breeding) sector plays a huge part in the Irish economy, currently generating 1.1 billion euros annually.  This industry is something we are good at  one of the biggest markets in the world has recognized that and has chosen to partner with Ireland, ang sabi ni John Magnier ng Coolmore. Nauna rito, ang kalaban sa negosyo ng Coolmore na Darley na pag-aari ni Sheikh Mohammed ay ipadadala ang dalawa nitong matinding sire na sina Jalil at Sousa ngayong taon para doon magsimulang magserbisyo at tumulong sa pagpapalago ng thoroughbred industry sa China.

 

 

Last Updated on Friday, 13 July 2012 08:43