By A Web Design Company

Paalam, Don Antonio Floirendo

  • PDF

Source: Pilipino Mirror

Isang malaking kawalan ang naramdaman ng industriya ng karera sa pagpanaw noong Hunyo 29 ni Don Antonio Floirendo Sr., matagal nang horseowner at breeder. Siya ay nagkasakit ng pneumonia at pumanaw sa edad na 96.

Isang negosyante, siya ang nag-umpisa, mga 50 years nang nakaraan, ng banana exporting sa Davao. Masugid siyang promoter ng business and development sa buong Mindanao at bukod sa prutas, nagnegosyo rin siya ng sasakyan (Anflocars), resort (Pearl Farm sa Samal Island) at iba pa.

Tiyak na maaalala ng long-time karerista ng kanyang istalyon na Thunder Vic (Thunder Puddles x Victoria Elena), na nag-sire ng karamihan ng kanyang panakbo noong huling dekada. Sa ngayon ang kanyang bagong istalyon an Indy Minstrel (AP Indy x Minstrella) ang sire ng mga laman ng kanilang kuwadra tulad ni Davao Boy, Dream MInstrel at Devoted Minstrel.

Noong kalagitnaan ng huling dekada rin, nakakuha si Don Antonio ng prankisa sa Kongreso upang magtayo ng karerahan sa Davao City. Tinawag itong MIndanao Jockey and Country Club at ede-develop dapat ng Damosa Land, Inc. sa Marapangi, Toril. Kasama sa plano ang residential area at eco-tourism park. Sayang at hindi natuloy ang naturang proyekto.

Si Don Antonio ay naging miyembro ng MARHO, Philtobo at Klub Don Juan. Taon - taon din na siya ang sponsor ng Golden Girls stakes race ng KDJM Derby.

Paalam, Don Antonio at maraming salamat sa kontribusyon sa industriya ng karera.

Last Updated on Friday, 06 July 2012 10:03