By A Web Design Company

4th Bagatsing Cup, plantsado na

  • PDF

BALITA – JULY 6, 2012

Sa ikaapat na pagkakataon, muling gugunitain ang magagandang naiambag ni dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing Sr. sa pamamagitan ng 4th Ramon D. Bagatsing Cup na isasagawa sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Lubhang abala ang magkakapatid na Bagatsing, sa pangunguna nina Ramon Bagatsing, Jr. at Cong. Amado Bagatsing, sa nakatakdang 4th RDB Cup sa Agosto 19. Mismong sa araw ng kaarawan ng namayapang dating alkalde isasagawa ang karera sa araw ng Linggo sa pakikipagtulungan ng Philippine Racing Club, Inc. (PRCI).

Sinabi ni PRCI Assistant Vice-President at Racing Manager Dan Valmonte na bukod sa 4th RDB, bibitawan din ang 2012 Philippine-Japan Friendship Cup ng Japan Racing Association at Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby. Susuportahan pa ng May 11 karera ang naturang event na magiging sponsored races ng Bagatsing Cup. Ang 4th RDB Cup Division 1 ay paglalabanan ng 3YO locals at ang Division II para sa matatandang kabayong local na parehong tatawid sa distansiyang 1,800 meters.

Tumataginting na P1.2 milyon ang magiging premyo sa naturang event na hahatiin sa P700,000 para sa Division I at P500,000 para sa Division II na sponsor ng Philracom. Ang Philippine-Japan Friendship Cup ay inisponsoran ng PCSO na may premyong P800,000 na hahatiin sa dalawang karera. Pito pang karera sa naturang araw ang sponsored races din ng Philracom at PCSO na may cash gift para sa mga winning groom sa araw na iyon. Magaganap ang lahat ng ito pagkatapos ng final leg ng Triple Crown at panimula ng Juvenile Stakes race sa buwan na ito.

 

 

Last Updated on Friday, 06 July 2012 10:04