By A Web Design Company

P10 milyon, kinita ng karera

  • PDF

 Source: Balita

Umani ng positibong reaksiyon ang mga inilalatag na programa ng Philippine Racing Commission makaraang tumaas ang benta ng karera sa anim na buwang operasyon sa taon na ito.

Masayang ibinalita ni Philracom Chairman Angel Castaño Jr. sa inyong lingkod ang itinaas na kita ng karera kumpara noong 2011.

Kaya  naman binabati ko ang komisyon sa kanilang matagumpay na program  upang iangat ang kita ng komisyon. Ito ay masasabing resulta sa mga bagong programang inilatag sa industriya sa kabila ng kakulangan ng mga kabayo.

Kinumpirma ni Philracom Commissioner Jess Cantos na tumaas ng P10-milyon ang kita ng karera sa nakalipas sa 2nd quarter.

"Kumpara sa nakaraang taon, sa nakalipas na 2nd quarter ay tamaas tayo ng P10-milyon" pahayag ni Cantos.

Lubhang nagugustuhan ng "Bayang Karerista" ang handicapping na isinusulong ng komisyon ngayon taon dahil sa rsulta ng benta sa takilya,

"Sana magtuloy-tuloy dahil nadadagdagan na ang mga kabayo natin at higit na pag-iibayuhin pa natin ang mga ipinapatupad na programa para sa ikabubuti ng industriya". giit pa ni Cantos.

Kinumpirma din ni Cantos na umabot sa mahigit na 50 pangarerang imported na kabayo ang naiangkat mula sa Australia habang may 30 inahin ang magbibigay ng maraming mananakbo sa mga susunod na taon.

Higit umanong gaganahan ang mga horse owner na mangarera dahil posibleng tumaas ang premyo.

Last Updated on Friday, 06 July 2012 09:24