By A Web Design Company

4th RDB cup sa Agosto

  • PDF

Source: Bandera

Naiulat ko rito noong nakaraang linggo ang tungkol sa paghahanda ng pamilya Bagatsing para sa iakaapat na pagtatanghal ng Mayor Ramon D. Bagatsing Cup.

Idaraos ang whole-day racing event sa birthday ng yumaong alkalde ng Maynila sa Agosto 19, Linggo, sa Santa Ana Park ng Philippine RAcing Club.

Ayon kay PRC assistant vice-president at racing manager Dan Valmonte, may 13 karera para sa araw na iyon, kabilang ang 2012 Philippine-Japan Friendship Cup ng Japan Racing Association at Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby.

Ang natitirang 11 karera ay magiging sponsored races ng Bagatsing Cup.

Ang dalawa rito ay sponsored ng Philippne Racing Commission - ang Mayor RDB Cup Division 1 para sa 3YO locals at ang Division II para sa older horses na parehong nasa distansiyang 1,800 meters. Ang total prize money (for winner and placers) ay P700,000 para sa Division I at P500,000 pra sa division II.

Ang dalawa pa ay sponsored ng PCSO. Wala pang titulo at distansiya ang mga ito ngunit ang total prize money ay P400,000 kada karera.

Ang pito pang karera sa Agosto 19 ay mga sponsored races din. Tulad ng dati, may cash gift para sa mga winning groom sa araw na iyon.

***

Nakikiramay kami sa pamilya ng yumaong retired admiral Jorge Necesito, na sumakabilang -buhay noong Hunyo 26 dahil sa cardiac arrest.

Pagkaraan ng kanyang pagretiro sa Philippine Navy, siya ay naging executive director ng Philracom mula 2006 hanggang 2011 at consultant din doon hanggang sa kanyang pagyao.

Last Updated on Wednesday, 04 July 2012 11:01