By A Web Design Company

Mayamang serye para sa juveniles

  • PDF

Source: Sunday Tonite

Pormal nang idineklara ang pagsisimula ng kampanya ng mga juveniles sa susunod na buwan.

Ito ang Juvenile Colts at Juvenile Fillies Stakes Series na inisponsoran ng Philippine Racing Commission para sa mga 2-year-old-colts and fillies.

Isang malaking programa ito para sa mga baguhang kabayo kaya naman malaking insentibo para sa mga investors dito ang inilalalaan ng Philracom sa mga mananalo at mga pumapasok sa timbangan.

Magkahiwalay ang labanan ng mga colts o lalaking kabayo at mga fillies o 'yung mga babae.

May apat na legs ang seryeng ito kung saan ang pinaka-finale ay ang pantaunang Philracom Juvenile Championship, kung saan naglalaban na ang mga colts at fillies.

Sa unang dalawang legs, may kabuuang P500,000 ang premyong pinaglalabanan kung saan ang nananalo sa bawat mga leg ay nagkakamit ng pangunang premyong P300,000 bawat isa.

Biglang tumataas ang papremyo sa ikatlong leg kung saan P1-million na ang nakataya kaya naman tiba-tiba na ang nananalo dito dahil tumataginting nang P600,000 ang nakakamit ng bawat nananalo.

At para lalo pang maging attractive para sa mga may-ari ng mga 2-year-olds, ang ikaapat na leg ay may mas mataas pang papremyong P1.5-million sa bawat isang pakarera kung saan P800,000 na ang maiuuwi ng bawat mananalo.

Hindi pa dito nagtatapos ang malalaking papremyong ipinamimigay na insentibo dahil ang Juvenile Championship naman ay may nakalaan na naman ngayong P2.5- million na papremyo. Ang first prize dito'y P1.5-million sa magkakampeon.

At hindi lang dito sa seryeng ito malaki ang mga papremyo dahil ang PHiltobo Juvenile Championship ngayong taong ito ay nababalitang magbibigay na ng P3-million.

Ganyan katindi ang pang-akit ng mga juvenile stakes races ngayon kung kaya naman marami ang naakit na mamili o mag-breed ng kanilang sariling mga kabayo.

kaya naman yearling o one-year old pa lang ay marami na kaagan ang naghahagilap. Ang isang taon halos ng pag-aalaga ay hindi nagiging hadlang o mahabang paghihintay sa kanila dahil sulit mana ang magiging kapalit not kung bubuti ang kanilang mga nabili.

Bukod pa dito, meron pang mga malalaking pakarera para sa mga juveniles ang tatlong grupo ng mga horseownes na puwedeng salihan, pero mas minamabuti nalang ng mga magagaling na 3-year-old na mamili na alng ng matatakbuhan,

Ito'y para na rin maproteksyunan ang kondisyon ng kanilang mga batang kabayo.

Last Updated on Tuesday, 03 July 2012 14:25