By A Web Design Company

4 na naglalaking laban sa SLLP at SAP sa Hulyo

  • PDF

Source: Balita

Itinakda ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang apat na malalaking pakarera ng taon sa dalawang pangunahing karerahan sa Caivte ngayong Hulyo.

Simula sa Hulyo 14 hanggang 15, unang matutunghayan ang final leg ng HOpeful at Triple Crown Stakes race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Unang matutunghayan ang Hopeful Stakes race sa Hulyo 14, na may papremyong P1 million at susundan naman ito sa Hulyo 15 ang 3rd Leg Triple Crown Championship, na may papremyong P3 million na tatawid sa distansiyang 2,000 meters.

Pagkatapos ng karera sa San Lazaro, itinakda naman ang 1st Leg Juvenile Filleis at Colts Stakes race sa Santa Ana Park sa Naic Cavite sa susunod na linggo ng Hulyo.

Ang 1st Leg Juvenile Fillies ay gagawin sa Hulyo 21, habang ang 1st Leg Juvenile Colt ay bibitawan sa Hulyo 22 sa nasabing karerahan.

May nakalaang P.5 million ang bawat pakarera na tatawid sa 1,000 meters.

Ang naturang pakarera ay paglalalabanan ng mga batang mananakbo na dalawang taong gulang, at ang mananalo ay pagkakalooban ng P300,000 habang P112,500 ang sa 2nd placer; P62,500 sa 3rd placer at P25,000 sa 4th placer.

Magkakaloob din ang komisyon ng P15,000 sa horse breeder sa mananalong kalahok.

Unang itinakda ang 1st leg juvenile stakes race sa San Lazaro may dalawang linggo na ang nakalilipas subalit hindi natuloy makaraang mabigo na makabuo ng karerea dahil kawalan ng mga kabayong kalahok.

Ayon sa Philracom, kung hindi matutuloy ang nasabing pakarera ay posibleng pagsamahin ang laban ng Fillies at Colts divisions.

Last Updated on Tuesday, 03 July 2012 14:11