By A Web Design Company

Lugar ni Secretariat sa kasaysayan

  • PDF

Source: Abante Tonite

Nabuo na rin sa wakas ang isang natitirang kakulangan para makamit ng pamosong Secretariat ang tunay nitong lalalgyan sa kasaysayan ng karera sa Amerika.

Ito'y matapos ihayag ng Maryland Racing Commission na siya ang tunay na nakapaglista ng record time sa Preakness Stakes 39 na taon na ang nakakaraan. Ang resulta ng botohang isinagawa oong nakaraang linggo ay  7-0.

Dahil dito, nakumpleto ni Secretariat ang pambihirang pagsi-set ng record time sa tatlogn legs ng US Triple Crown Series na kanyang napanalunan lahat para maging isa sa 11 kampeon ng serye noong 1973.

Ang kanyang opisyal na record ngayon ay 1:53 imbes na 1:54-2/5 na sinasabing naitala ng nasirang orasan nang araw na manalo si Secretariat sa Preakness Stakes sa Pimlico racecourse

"I didn't know if it was appropriate to cheer but I couldn't help myself. This is a big day," sabi ng may -aring si Penny Chenery, na humiling ng panibagong imbestigasyon sa kontrobersiyal na nangyari kasama ang pangulo ng Pimlico na si Tom Chukas.

"It is wonderful for the sport to remove an asterisk ang wonderful for the legacy of Secretariat ang his fans, who believed he set the record in all three Triple Crown races. This was a labor of love and it was so important because it was Secretariat and the Preakness, one of the landmark events in horse racing," sabi naman ni Leonard Lusky, nag-representa kay Mrs. Chenery sa hearing.

Halos dalawang oras na nag-deliberate ang Maryland Racing Commission at at ilan sa mga dininig dito'y ang ilang testimonies na sinamahan ng mga makabagong teknolohiya na nagpatunay na ang oras ni Secretariat nang manalo'y mas mabilis pa sa 1:53-2/5 na parehong nai-set nina Tank's Prospect noong 1985, Louis Quatorze noong 1996, at Curlin noong 2007.

"Justice was served. The Secretariat team made a compelling case that he ran the race in 1:53 flat and added tne Preakness record to his resume. This is terrific news for Mrs. Chenery, who has been diligent in her fight for nearly 40 years, ang the entire sport of horse racing," ani Chukas.

Ang electronic timer na ginamit noong 1973 ng Pimlico ay naglista ng 1:55 matapos tumawid ng finish line si Secretariat. Pero nagkaroon ng kontrobersiya nang 1:53-2/5 naman ang pinangatawanang oras na nakuha ng dalawang clockers ng Daily Racing Form.

Ilang araw matapos ang karera, idineklara ng Maryland RAcing Commission na nagkaroon ng kamalian ang electronic timer kaya pinalitan ang oras na 1:55 sa 1:54-2/5 (ang oras na nai-record ng official hand-clocker ng Pimlico nang oras na 'yun), na hindi naman tinanggap ni Mrs. Chenery.

Hanggang ngayon, ang track record sa naturang racetrack sa 1-3/16-mile ay 1:52-2/5 pa rin na hawak ni Farma Way nang manalo sa 1991 Pimlico Special.

Last Updated on Friday, 29 June 2012 09:59