By A Web Design Company

Juvenile Stakes race, target ilipat

  • PDF

Source: Balita

Pinag-iisipan ng Philippine Racing Commission (Philracom) na ilipat ang itinakdang karera para sa unang yugto ng Juvenile Stakes race matapos na hindi natuloy ang nasabing karera noong nakaraang linggo sa San Lazaro leisure Park sa Carmona Cavite.

Ang Juvenile Stake race ay pinaglalabanan ng mga batang mananakbo na may edad dalawang taon na ayon sa mga namumuhunan ay lubhang napakahirap dahil sa posibleng maagang mapilay ang mga ito sanhi ng karupukan pa ng mga paa nito.

Ipinaliwanag ng Philracom na kaya hindi natuloy ang Juvenile ay dahil kulang ang mga nagsilahok na kabayo kaya hindi nabuo ang karera para sa naturang division.

Marahil ay maraming kabayong edad 2-taon ang hindi pa handang tumakbo sa naturang karera na taun-taong ginaganap.

Dahil ang breeding season na ang mga foals ay ipinapanganak sa unang ilang buwan ng taon at dahil Hunyo ang karaniwang schedule ng first leg ng Juvenile Stakes series ay napupuwersa ang mga batang kabayo na isabak.

Tiniyak naman ng Philracom na kanilang reresolbahin at aayusin sa susunod na taon ang naturang karera.

Pag-aaralan din ng komisyon ang pagtatakda ng karera para sa 1st leg ng Juvenile Stakes race sa buwan ng Hulyo o kaya sa Agosto sa higit na maikling distansiya.

Naniniwala naman ng inyong lingkod na mareresolba nina Philracom Chairman Angel Castano Jr. at racing director Commish Jess Cantos ang naturang problema upang hindi na magbigay pa ng agam-agam sa mga horse owner na isali ang kanilang mga alaga sa takot na mapilayan.

Last Updated on Tuesday, 26 June 2012 13:54