By A Web Design Company

OTB sa Makati, Malapit na!

  • PDF

Source: Pilipino Mirror

Pinahintulutan na ni Mayor Junjun Binay ang pagbubukas ng off-track betting station sa lungson ng Makati.

Ayon kay Philippine Racing Commission executive director Jesus Cantos, ang unang magbubukas ng OTB sa lungsod ay ang Manila Jockey Club sa darating na Agosto.

Bagama't lehitimong activity ang horseracing sa ilalim ng batas, nasa discretion ng local government unit (LGU) ang pagbibigay ng permit to operate para sa OTB.

Sa nagdaang mga taon, hindi pinapayagan ng Makati City government ang pagkakaroon ng OTBs sa siyudad bukod sa existing ng tayaan sa loob ng lumang Santa Ana Park sa AP Reyes Avenue.

Ngunit sa tulong ni Makati Mayor Binay at Konsehal Ferdie Eusebio na isang true-blue racing aficionado, magkakaroon na ng ibang OTBs  doon.

ito'y magandang hakbang para sa paglago ng sport. Ito ay magbibigay rin ng mga direct and indirect livelihood at business opportunities para sa mga magtatayo ng OTB/restaurant, sa mga magta-trabaho rito at sa kanilang mga supplier ng pagkain, inumin at kung ano-ano pa sa pamamagitan ng multiplier effect.

Salamat kay Mayor Binay, Konsehal Ferdie at sa lahat ng mga sumuporta sa pagkakaroon ng OTBs sa Makati!

***

Pinag-aaralan din ng Komisyon, sa ilalim ni Chairman Angel L. Castaño Jr., ang attrition o pagbawas ng bilang ng populasyon ng mananakbo.

Ayon sa historical data, ang average na bilang ng 3YO runners ay mga nasa 420 kada taon.

Ngunit, pagkaraan ng tatlong taon, o pag naging 6YO na at pataas, mga 200 na lang ang natitira sa kanila, o halos 50% attrition rate.

Upang makahanap ng solusyon dito, nagbuo ang Komisyon ng multi-sectoral Soundness of Horses Committee na binabantayan ang kundisyon ng mga kabayo upang mananatili ang kalusugan nito at masigurong sila ay "fit to run."

Kasama sa mga istratehiya upang mabawasan ang attrition rate, ayon kay Commissioner Cantos, ang pagbawas ng double runs - ang dating dalawang araw na pagitan bago makatakbo uli ay gagawing tatlong araw. Iiksi na din ang distansiya ng karera kapag summer, na lubhang napakainit lalo nitong panahon ng global warming.

Magiging istriko rin ang Komisyon sa mga "recidivist' (pasaway) na trainer na may mataas na incidence ng lameness o pagkapilay sa kanilan mga alaga.

Maraming salamat kina Chairman Castaño, Commissioner Cantos at iba pang commissioner at taga Philracom na kaakibat ang ibang mga taga-industriya upang hanapan ng angkop na solusyon ang mga challenges na hinaharap ng karera sa kasalukuyan.

Last Updated on Tuesday, 26 June 2012 13:55