By A Web Design Company

P4 milyon inilaan ng Philracom para sa HS at TCC

  • PDF

Source: Balita

LImang araw na lamang ang nalalabi at matutunghayan na ang dalawang malaking pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang Hopeful Stakes race at 2nd Leg Triple Crown Championship nitong darating na Sabado at Linggo sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Umaapaw ang papremyong ipamamahagi ng komisyon para sa dalawa nilang pakarera na magtatapos sa buwan gn Hulyo.

Ayon kay Philracom Chairman Angel Castaño, umaasa siyang higit na aapaw ang benta ng ikalawang yugto ng TCC sa Linggo Hunyo 24 dahil mas kapana-panabik ang magiging tagpo, kasama ang Hopeful Stake Race na unang matutunghayan sa Sabado Hunyo 23.

Sa Hopeful, umaabot sa P1 milyon ang papremyo na ang tatanghaling kampwon ay pagkakalooban ng P.6 milyon habang sa TCC ay aabot sa  mahigit na P3 milyon na ang mananalo ay pagkakalooban ng P1.8 milyon.

Mahigpit na maglalaban sa Hopeful ang mga kalahok na Cinderella Kid, Charismatic, Ikel, Isa Pa Isa Pa, Jet Blue Pleasantly Perfect, Spring Collection at Top Meet para sa 1,800 meters.

Umaasa naman ang maraming karerista na magkakaroon ng bagong forecast para sa 2nd leg Triple Crown na una nang pinagwagian ng Hagdan Bato at ngayon ay haharap sa mga bagong kalaban na Angat ang Pinoy, Chevrome, at Golden Empire, habang nagbabanta pa rin ang Humble Riches, Patron, Purple Ribbon at Steel Creation sa higit na mahabang karerang 1,800 meters na distansiya.

Ngayon pa lang naghahanda na ang Bayang karerista para sa naturang okasyon at asahan na isasama ang kanilang pamilya para ganap na tunghayan ng personal ang umaatikabong labanan ng mga itinuturing na mahuhusay na mananakbong kabayo sa sport ng horse racing.

Last Updated on Tuesday, 19 June 2012 10:22