By A Web Design Company

Dehadong Batangas Fighter wagi

  • PDF

INQUIRER BANDERA – JUNE 16, 2012

Ipinakita ng dehadong si Batangas Fighter ang kanyang kakayahan sa Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race na ginanap noong Hunyo 9 sa Santa Ana Park. Ang 1,200-meter race ay nilahukan ng anim na 3YO na kabayo. Scratch si McGilroy at din a lumahok. Maganda ang alis ni Batangas Fighter sa aparato, lulan si jockey Dominador H. Borbe, Jr. Nag pacing sa likuran si Blank Check at tersero puesto si Power Factor, mistula silang tren na magkasunod lang ang takbo. Halos walang challenge ang naibigay ng mga kalaban kay Batangas Fighter, na siyang nanalo ng banderang tapos at ng apat na kabayo ang layo sa sumegundong Power Factor. Tersero si Statuesque, cuarto si Esprit de Corps, sinundan ng pagod ng Blank Check at huli si Classy Jeune, na siya ring bugaw noong trial race.Umoras ng kabuuang 1:14’ si Batangas Fighter sa curators na 24’-23’26’.

Sa ibang balita, nabanggit kamakailan ni Philracom Commissioner at Executive Director Jesus Cantos na sa Agosto ay magsisimula na ang operations ng ilang off-track betting stations sa Makati City. Alam ng baying karerista na dating hindi pinapayagan ng city government doon ang paglagay sa naturang siyudad bukod sa existing sa loob ng Santa Ana Park. Ngunit sa tulong ni Makati Mayor Junjun Binay, na ng pahintulot ang pagtayo ng OTBs doon. Ito’y magandang hakbang para sa paglago ng sport. Ito ay magbibigay din ng mga livelihood and business opportunities para sa mga magtatayo ng OTBs/restaurant , sa mga magtatrabaho rito, at sa kanilang mga suppliers ng pagkain, inumin at kung ano-ano pa. Multiplier effect, ika nga, para sa ekonomiya. Salamat kay Mayor Junjun Binay at sa lahat ng mga sumuporta ng pagkakaroon ng OTBs sa Makati.

 

 

Last Updated on Tuesday, 19 June 2012 10:24