By A Web Design Company

2nd leg ng TCC, itinakda sa Hunyo 24 sa SAP

  • PDF

BALITA – JUNE 8, 2012

Itinakda ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang 2nd Triple Crown Championship sa Hunyo 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Kakailanganin ng mahabang hininga at lakas ng mga kalahok dahil tatawirin ng mga ito ang distansiyang 1,800 meters na mas mahaba sa naunang event. Walong mananakbo ang inaasahang sasali sa karera na pangungunahan ng 1st leg champion na Hagdan Bato ni Mandaluyong Mayor Abalos, Angat ang Pinoy, Chevrome, Golden Empire, Humble Riches, Patrol Purple Ribbon at Steel Creation. Tangkang kunin ng alaga ni Jun Almeda na Golden Empire ang titulo ng 2nd leg TCC matapos ang matagumpay nitong kampanya sa nakalipas na Hopeful Stakes Race.

Kabilang din sa mga magtatangka ay ang bagong kalahok ng Angat ang Pinoy at Humble Riches para makuha ang titulo. Posible namang gumawa ng sorpresa ang Steel Creation na pumangalawa sa nakaraang leg ng TCC. Tumataginting na P3-Milyon ang naghinintay na premyo sa 2nd leg na ang mananalo ay pagkakalooban ng P1.8 milyon. Bago ng TCC, unang bibitawan ang Hoepful Stakes race na lalahukan ng mga nabigong makasali sa TCC.

 

 

Last Updated on Friday, 08 June 2012 13:37