By A Web Design Company

Magna Carta, Silver Cup Champ

  • PDF

PILIPINO MIRROR – JUNE 6, 2012

Pinatuyan ni Magna Carta na siya ang pinakamagaling na mananakbo sa kasalukuyan sa kanyang pagkapanalo sa Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup nitong Hunyo 3. Ginanap ang ika-17 yugto ng 2,000 meter Silver Cup sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite. Ang island-born na si Magna Carta (Woodman x Pledge the Fifth, parehong USA-breed) ang liyamado sa field ng siyam na kalahok. Nag-off pace si Magna Carta sa ilalim ng pagrerenda ni Jesse Guce at nag-abang lang sa likuran ng nagbanderang Arvin Dugo. Nasa tersero pwesto si Hari ng Yambo.

Sa back stretch, nagparemate na si Magna Carta at nilagpasan si Arvin Dugo sa far turn. Pigil pa ang pagdadala ni jockey Je hanggang sa far turn para i-preserve ang kanyang kabayo na napakalakas ng hatak hanggang dumating ito ng meta. Nanalo ng limang kabayong layo si Magna Carta sa sumegundong Hari ng Yambo. Tersero nalang si Arvin Dugo at cuarto si Prime Rate; quinto si Darleb. Ang total time ng karera ay 2:07 sa curators na 24’-24’-26’-26’25.

Abot tenga ang ngiti ng mga connection ni Magna Carta breeder Mayor Leonardo “Sandy” Javier, Jr., ang kanyang anak na registered owner, Michael Dragon Javier, trainer Ray Henson at jockey Je. Si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas, II, general manager ng PCSO, ang nag-abot ng tropeo sa kanila, kasama ang iba pang opisyales ng PCSO – Atty. Jose Malang (Legal Department manager at chairman ng PCSO Committee on Races), Betsy Paruginog (assistant general manager), Carlos Castillo (Draw & Races department manager), Ria Asuit (Treasury Department manager), Orlando Malaca (Draw & Races assistant manager) at Desoto Tupas (PCSO Committee on Races vice-chairman).

Marami ang nagtaka kung ano ang nangyari sa batikang filly na Cheese Mosa, coupled entry ni Arvin Dugo. Ang dalawang segundong liyamado at inaasahan ng marami na may pag-asa ring manalo o mag-place ng maganda. Masama pala ang lundag ni Cheese Mosa sa aparato, napaikot ng pabaligtad at napaharap uli sa gate. Nawalan ng mahalagang oras ang hinete niyang si Jonathan Hernandez sa pagko-control ng kanyang sakay. Ang susunod na pakarera ng PCSO ay ang 1,200 meters Special Maiden Race for 3YO sa Hunyo 9 sa Santa Ana Park, Declared entries sina Classy Jeune, Blank Check, Power Factor, Statuesque, Esprit de Corps, Batangas Fighter at Mcllroy.

 

 

Last Updated on Thursday, 07 June 2012 14:46