By A Web Design Company

Delicadeza, patok sa Bayang Karerista

  • PDF

BALITA – JUNE 6, 2012

Walong karera na papalooban ng Class Division, 2 at 3 year old maiden races ang aalagwa sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon gabi. Sa panimula ng 1st Pick 5 event sa race 1, pwedeng iposte ang Sauvignon sa 7 iba pang kalahok. Sa panimula naman ng Winner Take All event sa race 2 masasabing pangsolo entry ang alaga ni Leyte Mayor Sandy Javier ang Delicadeza na rerendahan ni top Jockey Jessie B. Guce. Isang mainam na dehado naman ang Mr. Integrity sa race 3. Mahigpit na labanan naman ang magaganap sa pagitan ng About To Be at My Chemicalromance sa race 4 na panimula naman ng 2nd Pick 5 event. Isama naman bilang pamoste ang Chi Chi’s Eyes, Golden Top at jaden Dugo sa race 5. Kung naghahangad kayo ng dehado sa inyong paratingan isama ang Bad Boy at wag naman kayo mawawalan ng Security Check at Unica Champ sa race 6. May kahirapan naman ang karera sa race 7 kaya para sa makasiguro isama mo lahat bilang parating ang anim na kalahok. Pwedeng solohin sa parating ng WTA, Pick 5 at Pick 4 ang Royal Jewel at kung naghahangad ka ng dehado na riyan ang Sugar Glaze at ang Ito Isa sa race 8.

 

 

Last Updated on Thursday, 07 June 2012 14:47