By A Web Design Company

Handicapping binubusisi ng racing commission

  • PDF

 Source: Balita

Puspusan ang paglilinis ng Philippine Racing Commisiion (Philracom) sa handicapping ng mga kabayong mananakbo mula sa division class, imported runner at mga pangarera na dalawa at tatlong taong gulang.

Sa pangunguna ni Philracom Commissioner Lyndon Guce, nagsasagawa ng paglilinis sa handicapping ang komisyon upang maging balanse ang laban ng mga mananakbo ibinabato sa magkakahiwalay na grupo.

ito ang isa sa mga adhikain ni Philracom Chairman Angel Castaño Jr., sa ilalim ng kanyang administrasyon, upang maging kapana-panabik at hindi "one-sided" ang karera.

Bukod sa class division, binubusisi na rin ni Commissioner Guce ang handicapping sa maiden group na kinabibilangan ng mga two-year old runner.

Isang magandang handicapping naman ang isinasagawa ng Philracom para sa three-year old runner na may kaukulang papremyo mula sa komisyon.

Pnipili na rin ang labanan ng matatandang kabayo sa pagbibigay ng karera sa mga magreretirong kabayo upang makabawi naman ang mga horse owner.

Mula Luner, hanggang Biyernes, subsog na sa handicapping si Commissioner Guce, na nagpahayag na medyo  nahihirapan sila dahiil may mga kabayong sadyang naibaba ng grupo na kung manalo sa laban ay sobra ang layo sa mga kalaban.

Bukod sa ibinibigay na papremyo sa mga handicapping racing, nagbibigay din ng additional na premyo sa mga special races ang Philracom.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Commissioner Jess Cantos sa publikong karerista dahil hindi pa natatapos ang pagre-regroup sa mga pangarerang kabayo kaya may ilang pakarera na sadyang hindi balanse dahil sa hindi ganap na nasisinop ang grupo ng mga kabayong inilalahok sa karera.

Last Updated on Tuesday, 05 June 2012 11:13