By A Web Design Company

Abalos, tiwala sa Hagdang Bato

  • PDF

Source: Balita

Target ngayon ng kampo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na masungkit pa ang dalawang nalalabing yugto ng Philracom-ang 2012 Triple Crown Championship race-na gaganapin sa Hunyo at Hulyo.

Ito'y ang kanyang pambato na Hagdang Bato na unang tinanghal na kampeon sa nakaraang 1st Leg.

Nagpahayag naman ng paniniwala si trainer Ruben Tupas na masusungkit ng Hagdang Bato ang dalawang nalalabing Triple Crown Series.

"Dalawa na lang. Palagay ko makakaraos ang aking alaga, wag lang mapipilay" pahayag ni Abalos.

Noon pa man ay malaki ang paniniwala ni Tupas na magiging kampeon ang Hagdang Bato dahil sa kalidad at breed at maganda ang itsura ang kabayo.

Ipinangako ni Abalos sa "Bayang Karerista na kanyang ibibigay ang lahat ng "best" sa Hagdang Bato upang hindi mabigo ang mga tagahanga nito sa labis na nagtitiwala.

Si Tupas ay unang nagbigay ng karangalan kay Mayor Abalos ng tanghaling 2-time Triple Crown champion ang Ibarra noong 2007 na kapatid ng Hagdang Bato.

Ang ilan pang mga kabayong inalagaan ni Tupas na naging kampeon sa TCC ay ang Sun Dancer at Shining Fame. Ayon kay Tupas, lubhang napakahusay ang ipinakitang huling laban ng Hagdang Bato na siyang pinagbabatayan para masabing makukuha nila ang susunod na TCC.

Last Updated on Wednesday, 30 May 2012 14:49