By A Web Design Company

9th Jockeys weekend

  • PDF

Source: Bandera May 26, 2012

Mula sa isang karera siyam na taon nang nakaraan, sa kasalukuyang 33 stakes at special races na ikinalat sa dalawang araw, lumago na ng husto anf taunang pakarera ng New Philippine Jockeys Association para sa kapakanan ng kanilang mga miyembro.

Ngayong araw at bukas, gaganapin sa Santa Ana Park - pista ng Philippine Racing Club, Inc. - ang fundraising festival na ito, ayon kay NPJA president Antonio Alcasid Jr.

"Nagpapasalamat kami," aniya, "sa mga sponsors ang sumuporta ng taos puso sa aming layunin, na makakalap ng pondo para sa Disabled Jockeys Fund at sa pagpapalawak ng mga benepisyo ng aktibong hinete."

Ang mga institutional sponsors ay PRCI, Philippine Racing Commission, Philippine Charity Sweepstakes Office, MARHO, Philtobo, Klub Don Juan de Manila, Philippine Race Horse Trainers Association, Manila Horsepower Organization at Gran Matador Light.

Ang individual sponsors ay sina Cong. Sandy Ocampo, Cong. Jeci Lapus, Mayor Sandy Javier, Mr. Luis Quisumbing, Mr. Manny Santos, Mr. Bienvenides Niles, Jr., Engr. Simon Crisostomo, Mr. Ferdie Dimaisip, Ms. Ruth O. Lucas, SC Stockfarm, Dr. Pinky Isaac, Ms. Richelle Collantes, Mr. Miguel Recosana, Mr. Danny Nicdao at Mr. Mapoleon Magno.

Onse and special races ngayon na pinagalan sa MARHO, Philtobo, SC Stock Farm, Mr. Niles, Mr. Magno, at Joaquin & Gabriel (Nicdao).

Bukas, 12 ang sponsored races: dalawang 4th NPJA-PCSO Cup races, 6th NPJA-Philracom Cup para sa disabled jockeys, 1st NPJA-Manila Horsepower Cup bilang parangal sa mga hineteng sina ES Aguila, LM Salvador, Jr., EA Ventura, JG Rodriguez, at EF Daquis; at special races na ipinangalan sa MARHO, Philtobo, at kina Dr. Quisumbing, Ms. Lucas (dalawa), SC Stock Farm, Dr. Isaac at Mr. Collantes.

May cash prize na P7,000 sa longshot jockey ng linggo, mula kay jockey Recosana, at tig-P5.000 sa mananalong Class A, B, C at D na hinete, mula kay Mayor Sandy Javier.

Congratulations sa NPJA sa isa namang event na tiyak na matagumpay!

karera lang - walang personalan!

Last Updated on Wednesday, 30 May 2012 11:00