By A Web Design Company

Positibong programa, inilatag ng Philracom

  • PDF

BALITA - MAY 23, 2012

Isang positibong programa ang inilatag ng Philippine Racing Commission (Philracom) para sa mga namumuhunang horse owner upang matugunan ang kakapusan ng kabayo sa bansa. Natuklasan kamakailan sa isinigawang pag-aaral ng Komisyon na umabot sa 300 kabayo na 3-Year-Old ang hindi itinatakbo ng mga horse owner sa paniniwalang walang kakayahang lumaban sa mga magagaling sa grupong kinabibilangan. Sa 400 lokal na kabayong naipo-produce kada taon ay may 100 lamang ang itinatakbo at 300 dito ang itinatago na sa paniniwalang "no match" sa laban.

Ayon kay Commissioner Jess Cantos, karamihan sa mga horse owner ay hinihintay na umabot sa apat na taon ang kabayo upang ilaban sa mababang class division upang makasali sa maraming pakarera na may kakayahang manalo at mabawi ang puhunan. Dahil dito, isang programa ang inilatag ng Philracom upang maiwasan ang ganitong sistema at maglalaan ng pakarera ang Kominsyon para sa lahat ng 3-Year-Old upang matugunan ang kakulangan ng numero sa populasyon ng kabayong pangarera.

Sa pamamagitan ng handicapping sa 3-Year-Old, mabibigyan ng maraming pakarera ang mga horse owner upang makabawi sa kanilang puhunan at hindi nahihintayin ang apat na taon bago itakbo sa grupong kababagsakan nito. Maglalaan ng karagdagang premyo ang Philracom upang mahikayat ang mga horse owner na ilabas ang lahat ng kabayong itinatago upang maibaba ng laban sa edad na apat na taon. Nararapat din na suportahan ng mga horse owner ang programa ng Komisyon upang mapaunlad ang industriya ng karera at ang local breeders sa bansa.

Last Updated on Monday, 28 May 2012 07:18