By A Web Design Company

Golden Empire wagi sa Hopeful Stakes race

  • PDF

Source: Bandera

Kumana si Golden Empire sa huling 800 metro ng tagisan para kunin ang unang yugto ng 2012 Philracom Hopeful Stakes race na siyang tampok na karera nitong Sabado ng hapon sa pista ng Santa Ana park sa Naic, Cavite.

Mahusay na isinunod lamang ng tinaguriang "Genius Rider" na si Kelvin Abobo ang sinakyang bay colt sa mag kumaskas ng takbo sa kaagahan ng isang milyang karera upang pagpasok ng mahalagan parte ng bakbakan ay may puwersa pa ito tungo sa makinang na tagumpay.

Iniukit ni Golden Empire, na nagpakitang-gilas noong Mayo 5 matapos pangunahan ang binitawang 3YO Condition Earnings A-B race, ang inilatag na distansiya sa bilis na 1:14.8 minuto para makuha ang ikatlong panalo mula sa limang laban sa taong ito.

Pumangalawang dumating sa meta si Chevrome na sinundan nina Sea Princess at Spring Collection para sa ikatlong at ikaapat na puwesto.

Dahil din sa tagumpay na naitala ng alagang colt ni Berto Rayat, naiuwi ng kanyang among si Jhun Almeda ang uang premyong P600,000 mula sa nagpakarerang Philippine Racing Commission (Philracom) at nagkaroon ng pag-asang makasali sa second leg ng 2012 Triple Crown Stakes race.

Last Updated on Tuesday, 22 May 2012 13:25