By A Web Design Company

Puwestuhan sa simula

  • PDF

Source: Abante Tonite

Labing-apat na mga 3-year-olds colts at fillies ang maglalaban sa P1 milyong premyong nakataya sa Hopeful Stakes ng Unang leg ng Triple Crown Series mamayang hapon sa Santa Ana Park.

Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ang lahat sa pagpili ng magiging paborito pero kumonti na ang bilang ng mga inaasahang mala-llamado sa karerang paglalabanan sa distansiyang 1,600 meters.

Sadya kasing naging mahirap ang labanan sa unang leg dahil puno ang lahat ng gate at lahat ay tiyak na pinaghandaan ang laban para makuha ang pangunang premyong P600,000.

Ilan sa inaasahang magiging paborito sa bentahan ay sina Chevrome, Ikel, Golden Empire, Papa Ethan, At Spring Collection.

Pero ang iba pang mga deklaradong kalahok dito'y tiyak na magbibigay ng magandang laban sa mga mala-llamado.

Kabilang dito sina Alpha Alleanza, C Bisquick, Cats Diamond, Gale Force, Isa Pa Isa Pa, May Dating, Sea Princess, Top Meat at Yes Yes Yes.

Ang iba pa kasing pa premyo rito'y sadyang nakakaakit para sa kalahok. Ang segundo'y bibigyan ng P225,000 ang tersero't quarto ay mag-uuwi ng P125,000 at P50,000.

Maraming mabibilis na kabayo o mga de-boka sa karerang ito kaya ang kabayo at ang kanyang hineteng mapupunta sa magandang puwesto ay may malaking tsansang manalo.

Tiyak na marami ang mag-uunahan dito kaya kailangang humabol agad ang mga de-remate upang hindi maiwanan ng husto. Kapag magawa nila ito at nakapag-conserve sila ng lakas, ang dalawang huling quartos ay magiging madali na para sila makahabol at makipaglabanan hanggang finish line.

Ang mananalo rito na magpapakita ng magandang performance ay tiyak na aakyat sa matinding laban sa secong leg ng Triple Crown Series sa susunod na buwan.

Bukas gaganapin ang unang leg ng Triple Crown Series an may anim na kalahok na mag-aagawan naman sa P3 milyong papremyong makataya.

 

Last Updated on Tuesday, 22 May 2012 13:26