By A Web Design Company

Mga hinete, dapat maging mapagmatyag

  • PDF

Source: Balita

Naaalala pa ba ninyo ang dalawang sikat na hinete na sina Jesus "Maestro Bong" Guce at Somodio Aguila na kapwa nadisgrasya sa gitna ng laban sa isang regular na karera sa Cavite City?

Mapalad si Maestro Guce dahil buhay pa siya bagamat bilanggo ngayon ng silyang de gulong habang  binawian naman ng buhay si jockey Aguila habang nakikipaglaban sa ospital.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Philippine Racing Commission (Philracom), iisa ang itinuturong dahilan ng aksidente, pawang may mga pilay ang mga kabayong sinakyan nina Guce at Aguila.

Kamakailan ay ibinunyag ng New Philippine Jockey Association (NPJA) na lubhang nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mga hinete dahil marami sa mga kabayong kanilang nasasakyan ay pilay at may diperensiya ang paa.

Sinasabing ilan sa mga trainer ang naglilihim hinggil sa pagkakaroon ng pilay ng kanilang mga inaalagaang kabayo dahil sa takot na masibak sila sa trabaho. Nabatid na ilan sa mga ito ay gumagamit ng pain reliever para lamang maibsan pansamandali ang nararamdamang diperensiya ng kanilang mga alaga.

Ang naganap na aksidente kina Maestro Guce at Aguila ay nagsilbing malaking aral at bukas sa katotohanan sa mga hinete na kailangan nilang maging matalino sa pagsakay.

Last Updated on Monday, 21 May 2012 21:43