By A Web Design Company

Karerista, todo paghahanda sa TCC

  • PDF

BALITA – MAY 15, 2012

Ngayon pa lang ay todo na ang paghahanda ng mga karerista sa nalalapit na pag-alagwa ng 2012 Philracom Triple Crown Championship series sa Naic, Cavite. Ang 1st leg Triple Crown Stakes race ay unang bibitawan sa Mayo 20 sa bakuran ng Santa Ana Parksa Naic, Cavite. Maghaharap sa naturang karera ang Hagdan Bato, Humble Riches, Karapatan, Patron, Purple Ribbon at Steel Creation kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,600 meters. Tumataginting na P3 milyon ang nakalaang premyo na ang tatanghaling kampeon ay tatanggap ng P1.8 milyon, habang ang 2nd placer ay P675,000, P375,000 sa ikatlong puwesto at P150,000 sa 4th placer. Tatanggap din ng P100,000 ang breeder sa mananalong kalahok.

Ayon kay Benito Alicao ng Caloocan City, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang naturang laban kung saan ay personal nitong panonoorin ang bakbakan kasama ang kanyang pamilya na taun-taon niyang ginagawa. Siyempre kasama ditto ang pag iipon ng puhunan para sa Winner Take All event na siyang paborito kong tayaan, pahayag ni Alicao. Parehong kukunin nito ang Hagdan Bato at Humble Riches upang makatiyak siya ng puntos sa WTA dahil parehong magaling ang dalawa.

Ang Hagdan Bato ay entry ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos habang ang Humble Riches ay mula naman kay Michael Causon. Umabot naman sa 14 na mananakbo ang lumahok sa Hopeful Stakes race na magaganap sa Mayo 10 sa nasabing karerahan na pangungunahan naman ng Golden Empire. Tatawid ang magkakalaban sa distansiyang 1,600 meters kung saan ay may nakalaang premyo na P1 milyon ang event na ang makakasungkit ng titulo ay tatanggap ng P600,000.

 

 

Last Updated on Wednesday, 16 May 2012 07:19