By A Web Design Company

Hagdan Bato, pinaboran ni Castaño

  • PDF

Source: Balita

Isang linggo na lamang ang nalalabi bago ang pag-alagwa ng kinasasabikang 2012 Philracom 1st Leg Triple Crown Championship series.

Ilan sa mga prominenteng personahe sa industriya ng karera ang pumapabor sa alaga ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na Hagdan Bato kontra sa Humble Riches sa darating na Mayo 20 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Kabilang sa pumapabor sa hagdan Bato ay si Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Angel Castaño Jr. kontra sa laga ni Michael Cuason na Humble Riches.

Ayon kay Castaño, nakalalamang ang alaga ni Mayor Abalos dahil ito ay lalaki kumpara sa Humble Riches na babae.

"Iba kasi ang lakas ng lalaki kumpara sa babae" pahayag ni Castaño.

Pinagbatayan din ni Castaño ang huling performance ng dalawang kalahok.

Ayon pa kay chairman, bagamat magkapareho ang kanilang distansiya, ay malayo naman ang pagkakaiba ng pagdadala ng kanilang mga hinete.

"Kung inyong mapapansin , ibinigay na ng Humble Riches ang lahat ng lakas nito sa huling laban sa Diamond Stakes race Fillies division habang ang Hagdan Bato ay punum-puno at pigil pa ang ayuda ng hinete nang manalo ito sa Colts division" dagdag pa ni Castaño.

Bukod sa dalawang nabanggit na mananakbo, makakalaban din ang iba pang kalahok na Karapatan, Patron, Purple Ribbon at Steel Creation na pawang tatawid sa distansyang 1,600 meters.

Makatatangap ng P1.8 milyon ang tatanghaling kampeon habang P675,000 ang 2nd place, P375,000 ang 3rd place habang  P150,000 sa 4th place. Maasmbunan din ng P100,000 ang breeder sa mananalong kabayo.

Labing-apat na mananakbo naman ang unang matutunghayan sa araw ng Sabado sa paghataw ng Hopeful Stakes race na pangungunahan ng Golden Empire sa bakuran ng Santa Ana Park kung saan ay tatawid ang magkakalaban sa distansiyang 1,600 meters na may nakalaang premyong P1 milyon.

 

Last Updated on Wednesday, 16 May 2012 10:45