By A Web Design Company

Mayor Abalos, naniniwala kay Castano

  • PDF

BALITA – MAY 9, 2012

Sa isinagawang esklusibong panayam ng Balita sa pamamagitan ng inyong lingkod, nagpahayag ng paniniwala si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos kay Philippine Racing Commission Chairman Angel Castano, Jr. na mareresolba nito ang minana nitong mga problema sa industriya ng karera sa bansa. Akoy naniniwala sa kakayahan ni Chairman Castano na mareresolba nito kundi man ay mababawasan ang problemang minana niya ssa mga naunang naupong chairman ng Komisyon, pahayag ni Abalos. Nagpapasalamat ang alkalde na may isang chairman na naupo sa komisyon na lubhang nakakaintindi para harapin ang isyu tungo sa isang malaking pagbabago sa karera.

Nagbigay din ng komento si Abalos sa muling pagbubukas ng importasyon ng mga pangarerang kabayo upang mapagtuunan ang breeding industry tungo sa pag-angat ng local horses sa bansa. Ang kinakailangan lang ditto ay may nakatakdang paanahon kung hanggang kalian ang pag-importa ng mga kabayo para hindi makaapekto sa industriya ng local horses sa bansa, dagdag pa ni Abalos. Nagulat din ang alkalde sa kanyang natanggap na report sa pagkakaroon ng kakapusan ng mga pangarerang kabayo.

Nagpahayag si Abalos na nakahanda siyang sumuporta sa mga programa ng Philracom upang ma protektahan ang industriya. Nais ng Alkalde na tumaas ang benta sa mga OTB upang maibigay ang mga benepisyo ng mga horse owner, jockey, trainer, sota at helper mula sa mga taya ng mga karerista.

 

 

Last Updated on Thursday, 10 May 2012 13:58