By A Web Design Company

3YO Fillies, Colts sa TCC

  • PDF

BALITA – MAY 6, 2012

Anim na mahuhusay na 3-Year-Old Fillies ang maghaharap sa nalalapit na unang yugto ng 2012 Philracom Triple Crown Championship sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa darating na Mayo 20. Pangungunahan ng Hagdan Bato, Humble Riches, Karapatan, Patron, Purple Ribbon at Steel Creation ang mga kalahok sa 1st Leg Triple Crown Championship kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,600 meters. Makatatanggap ng P1.8 milyon ang tatanghaling kampeon habang P675,000 ang 2nd place, P375,000 sa 3rd habang P150,000 sa 4th placer. Tatanggap din ng P100,000 ang breeder sa mananalong kabayo.

Sinasabing mahigpit na maglalaban ang Hagdang Bato sa hanay ng local Colts, Cat’s Diamond at Humble Riches naman sa hanay ng 3-Year-Old Fillies. Bago ang TCC, unang matutunghayan ang Hopeful Stakes race sa Mayo 19 sa nasabing karerahan na pangungunahan ng Golden Empire. Sa ngayon ay may 15 kabayo na ang naipatalang lalahok sa Hopeful Stakes race at kabilang sa mga interesadong lumaban ang Alpha Alleanza, CBisquick, Cat’s Diamond, Chevrome, Gale Force, Ikel, Isa pa Isa Pa, May Dating, Mr. Tatler, Papa Erthan, Sea Princess, Spring Collection, Top Meat at Yes Yes Yes. Tatawid din sa distansiyang 1,600 meters ang mga kalahok na ang magkakampeon ay makatatanggap ng P.6 milyon habang P225,000 ang 2nd placer, P125,000 sa 3rd placer at P50,000 sa 4th placer.

 

 

Last Updated on Monday, 07 May 2012 10:46