By A Web Design Company

Chairman Castano, subsob sa trabaho

  • PDF

BALITA – MAY 5, 2012

Sa laki ng responsibilidad na nakakaakibat kay Philippine Racing Commission Chairman Angel Castano, Jr. kinakailangan nitong magtrabaho ng husto dahil malaking problema ang kinakaharap nito sa industriya ng karera. Subsob ngayon si Castano sa trabaho upang magampanan ang kanyang tungkuling na maresolba ang masalimot na sitwasyon na kanyang kinasadlakan matapos italaga bilang bagong chairman noong Agosto 2011. Mula Lunes hanggang Biyernes ay walang palyang pumapasok sa kanyang opisina ito upang harapin ang responsibilidad na nakaatang sa balikat nito katulong ang limang commissioner sa pangunguna ni Commissioner Engieneer Jesus Cantos.

Kaiba si Castano sa mga naging chairman ng Philracom dahil hindi ito nakitaan ng katamaran at matuwid na kanyang pinapatag ang daan tungo sa matuwid na landas. Sa laki ng problemang kinakaharap, hindi nakitaan ng panghihina ang Philracom official para resolbin ang kinakaharap na suliranin sa industriya ng karera. Isang daang porsiyentong nakatutok si Chairman Castano sa mga nagaganap sa loob ng karerahan lalo na sa pagsakay ng mga hinete upang walang makalusot sa masasamang balakin. Mula sa maliliit na problema hanggang sa pinakaseryosong isyu ay matapang na hinaharap ni Castano ito.

 

 

Last Updated on Monday, 07 May 2012 10:51