By A Web Design Company

Industriya ng karera, pabagsak na

  • PDF

BALITA – MAY 4, 2012

Inilathala natin kahapon sa pitak na itong ang hinggil sa umano’y kakulangan ng kinikita ng dalawang karerahan dahil sa kakaunti na lang ang mananaya.

Ang panawagan ni Boy Reyno ng Manila Jockey Club, Inc. (MJCI) ay tulungan sila ng Philracom upang maisalba at hindi maisara ang karerahan sa Cavite.

Kailangan umanong tulungan ng pamahalaan ang dalawang racing club na makainganyo ng mga mananaya upang tumaas ang benta.

Naniniwala ang dalawang karerahan na kailangang palakasin ang industriya ng karera sa bansa upang magpatuloy ang kanilang operasyon.

Ipanamukha ni Reyno sa Philracom na malaki ang kanilang puhunan sa pagtatayo ng magagandang karerahan subalit nahihirapan umano sila dahil mababa ang benta sa karera habang mataas naman ang kanilang gastusin, lalo na sa patuloy na pagtaas ng kuryente.

Sa kasalukuyan na ng pag-aaral ang Philracom, kasama ang mga horse owner at breeders kung papaano matutugunan ang problemang kinakaharap ng dalawang racing club.

 

 

Last Updated on Friday, 04 May 2012 10:21