By A Web Design Company

Karerahan, nanganganib bumagsak dahil nalulugi

  • PDF

BALITA – MAY 3, 2012

Nanganganib na umanong bumagsak ang industriya ng karera sa bansa kapag tuluyan ng nagsara ang 2 pangunahing karerahan sa lalawigan ng Cavite. Sa isinagawang pagpupulong ng mga horse owner at Philracom noong Lunes sa Makati City, tahasang inihayag ni Atty. Boy Reyno, president ng Manila Jockey Club, Inc. ang kanilang pagkalugi dahil sa mahinang tayaan sa karera. Itinuro ng klub ang naglipanang bookies sa ilang Off Track Betting station sa Metro Manila. Naobserbahan din ng mga horse owner at MJCI ang pagkonti na ng mga mananaya sa karerahan.

Bagamat may mga pumapasok na player sa horse racing industry, hindi naman lumalago ang mga mananaya. Umapela si Reyno kay Philracom Chairman Angel Castano na tulungan sila na mapataas ang benta ng karera sa pamamagitan ng mahuhusay at tamang handicapping na makaiinganyo sa mga dating player para lumahok.

Nagpahayag naman ng suporta si Reyno sa Philracom kaugnay sa kanilang programa sa pagbibigay pansin sa local horse breeding industry sa bansa. Ayon kay Reyno, nakahanda umano ang MJCI na tumulong sa importation ng mga kabayong pangarera sa bansa.

 

 

Last Updated on Thursday, 03 May 2012 11:20