By A Web Design Company

Industriya ng karera, naghihingalo na

  • PDF

Source: Balita

Mistulang naghihingalo na ang industriya ng karera sa bansa na siyang pinagsusumikapang maisalba ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamamagitan ng mga paglatag ng programa.

Matapang na hinaharap ni Philracom Chairman Angel Castaño ang mga minanang problema sa ahensiya sa ngayon kung saan ay patuloy na binibigyan niya ito ng pansin para maresolba.

Nagbigay pa sa alalahanin ng komisyon ang nalalapit na pagbubukas ng bagong karerahan sa Sto. Tomas Batangas.

MIsmong si Commissioner Jess Cantos ang nagpahayag sa inyong lingkod na magkakaroon ng kakulangan ng mga pangarerang kabayo kapag nabuksan ang Batangas racing  club.

Aabot sa 500 kabayo ang magiging kakulangan sa mga regular na karera lalo na sa nalalapit ng ikatlong karerahan.

Naniniwala si Castaño na sa pamamagitan ng tamang programa ay mareresolba nila ang malaking problemang kakaharapin sa industriya ng kabayo sa bansa.

Ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kabayong pangarera at kabiguang makapag-produce ng maraming kabayo mula sa mga iniangkat na mga imported na kabayo nag pinoproblema ng ahensiya.

Sa pamamagitan umano ng pakikipagpulong ng komisyon sa lahat ng sector ng industriya, nakikita nito ang tunay na problema na hindi nabigyan ng pansin sa mga nagdaang panahon.

Naniniwala ang komisyon na mismong sa hanay ng mga horse owner nagkaroon ng problema sa pamamagitan ng pagbili nila ng mga mahihinang pangarerang kabayo.