By A Web Design Company

May pamimilian

  • PDF

Source: Abante Tonite

Palaisipan pa rin sa maraming karerista kung sinu-sino ang mga kabayong makikita sa tatlong legs ng 2012 Triple Crown Series.

Bukod kina Hagdang Bato at Humble Riches, dalawa sa malalaking pangalang inaasahang gagawa ng marka sa darating na mayamang  serye para sa mga 3-year-olds, hindi masyadong kilala ang iba pang mga inaasahang kakampanya ngayong taon.

Sa Philracom Chairman's Cup, ang pinakamalaking prep race pra sa mag magtatangka sa Triple Crown Series na dinomina ng husto ni Hagdang Bato noong Marso 11, nagsisisali ang ilan sa mga top contenders.

Kabilang dito sina Patron, Yes Yes Yes, Golden Empire, Purple Ribbon, Ikel at Isa Pa Isa Pa. Hindi Nakasali si Humble Riches.

KUng pagbabatayan ang naging resulta ng karera, tiyak na ang pagiging paborito ni Hagdang Bato sa takilya mataos magpruweba ng 1:39.4 sa distansyang 1,600 meters.

Kung tatantiyahin, puwede pa itong mag-umento ng mga dalawang segundo dahil sa patuloy na pag-improve habang palapit ang serye.

Lalaking kabayo ito at ito ang kanyang malaking kalamangan kung pagbabatayan ang hirap at kundisyon ng panahon ngayon sa magkabilang pista.

Maganda ang pagbabalik sa pista ni Humble Riches, na isa namang babae, sa Diamond II Stakes dahil malayong nanalo sa kanyang mga kalabang sina Cheese Blanca, Time to Shine Dad, Gale Force, Posse Left, Eloquence, C Bisquick, at Princess Iley at gumawa pa ng respetadong 1:14.8 sa 1,600 meters.

HIndi ito nalayo sa 1:41 na pinoste ni Hagdang Bato sa Diamond III Stakes naman nang kanyang taluning sina Patron, Golden Empire, Chevrome, Purple Ribbon, Isa Pa Isa Pa, Yes Yes Yes, Dancing Dolphin, at Shoemaker.

Hindi rin lahat ng mga nakita nating nagpe-prep sa mga malalaking stakes races para sa mga 3-year-olds ay makikita sa malalaking karera ng serye.

Yung iba ay tiyak na bababa sa Hopeful Stakes kung saan P1-million kada leg ang nakalaan para sa mga mananalo.

Ito ang karerang puwede nilang puntahan kung ayaw nilang makaharap ang mga powerhorse na sina Hagdang Bato, at Humble Riches.

Last Updated on Monday, 23 April 2012 14:44