By A Web Design Company

Jupiter Thunder wagi sa PRCI trophy race

  • PDF

Source: Bandera  

Nagbunga ang ginawang pagpapalit hinete ng koneksyon ng kabayong Jupiter Thunder nang pagwagian nito ang dineklarang Philracom PRCI Trophy race (5) na pinaglabanan nitong Sabado ng hapon sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ipinadiskarte ay Jessie Guce, pumalit sa naunang hineteng si Christopher Reyes, ang renda ng pitong taong bay na kabayo at sa pagkakataong ito ay lumabas ang itinatagong husay nito nang pataubin ang 11 katunggali sa 1,200 metrong karera.

Pasan ang bentang P304,740 mula sa kabuuang bentang P517,312 sa forecast pool, ipinirmis lamang ni Guce si Jupiter Thunder sa ikaanim na puwesto habang pinanood ang bakbakan sa harapang puwesto sina Standby Your Man at Riesling.

Pagpasok ng medya milya, ganun pa rin ang puwesto ng tambalan pero bago sumungaw ng rekata ay sinimulan na ni Guce na pagtrabahuhin si Jupiter Thunder tungo sa pagkabulusok nito na prang kidlat upang lagpasan ang mga matutuling kalaban at unahang tumawid ng meta ang rematista ring si Most Unbelievable upang maitala ang inaasam na tagumpay.

Pumangatlo at pumang-apat lamang sa kanyang dalawang huling laban sa trophy race at isa nga rito ay sa pagpapadala ni Reyes, nakuhanan ng 1:17.6 tiyempo ang ginawang pagragasa ng kabayong pag-aari ni Joselito Francisco Guevara sa inilatag na distansya mula sa kuwarto na 25'-23' at 28'

Last Updated on Monday, 23 April 2012 14:44