By A Web Design Company

TCC series, magiging kapana-panabik

  • PDF

BALITA – April 18, 2012

Tiyak na magiging kapana-panabik ang 1st leg ng Triple Crown Championship series sa darating na Mayo sa pagitan ng dalawang itinuturing na magkalabang mortal sa 3-Year-Old division. Inaasahan na magiging matindi ang bakbakan sa pagitan ng Humble Riches at Hagdang Bato sa nalalapit na laban ng dalawang kampeon. Pinagbabatayan ditto ang tiyempo ng Humble Riches at Hagdang Bato matapos na magkampeon sa magkahiwalay na laban sa Diamond 2 at 3 noong Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod, sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa patnubay ni jockey Val Dilema, magaan na naipanalo nito ang Humble Riches sa 2012 Philracom Diamond 2 na pinaglabanan ng 3-Year-Old Fillies division. Ipinanalo naman ni jockey Jonathan Hernandez ang Hagdang Baton na alaga ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa katatapos na Diamond 3 na pinaglalabanan naman ng 3-Year-Old Colt division. Higit na impresibo ang tiempo ng Hagdang Baton a naorasan ng 1 minuto at 41 segundo habang ang Humble Riches at nagtala ng 1 minuto at 41.6 segundo sa distansiyang 1,600 meters.

Pumangalawa sa Humble Riches ang Cheese Blanca habang ang Patron naman ang pumangalawa sa Hagdang Bato. Sa iba pang contender para sa nalalapit na 1st leg Triple Crown Championship series ay kinabibilangan ng Cheese Blanca na may malaking inumento sa laban. Kapansin-pansin na naatraso lamang ang Cheese Blanca ng tangkain nitong agawin ang unahan sa nanalong Humble Riches. Posibleng maging banta ang Cheese Blanca kung masasakyan ito ng tamang hinete na magiging kasundo ng alaga ni horse owner Sixto Esquibias. Ganito rin naman ang Patron ni Samar Mayor Sandy Javier na pagkakataon lang ang hinihintay sa mga susunod na laban.

Last Updated on Thursday, 19 April 2012 13:48