By A Web Design Company

Horse owner, mananaya ng bookies!

  • PDF

Source: Balita

Labis na nakakalungko na ilang horse owner ang tumatangkilik sa operasyon ng illegal betting station (bookies) na dumudurog sa benta ng karera sa mga off-track betting station sa Metro Manila

Maging ang samaha ng OTB ng Manila Jockey Club, Inc. (MJCI) at Philippine Racing Club, Inc. (PRCI) ay umaangal sa bookies.

Hindi magiging madali para sa Philippine Racing Commission (Philracom) ang pagsugpo sa operasyon ng bookies lalo at wala silang "police power" at nakadepende lamang sa Games and Amusement Board (GAB) na inatasang magsagawa ng operasyon kontra bookies.

Ang nakakalungkotpa, mismong ang GAB ay nagbubulag-bulagan sa tunay na kaganapan kaugnay ng operasyon ng bookies.

Ang masama pa nito, sa halip na durugin ay mistulang alagaing baboy ang bookies dahil sa intelihensiyang natatanggap nito mula sa bookies operator.

Batay sa mandato ng batas, ibinigay sa GAB ang kapangyarihan na manghuli ng bookies, subalit lumipas ang maraming dekada ay mistulang hindi umaaksiyon ang naturang ahensiya para durugin ang ooperasyon ng bookies.

Sa laki ng puhunan ng mga OTB operator, marami sa kanila ang nagsasara dahil sa pagkalugi bunga sa perhuwisyo ng bookies.

Sa perhuwisyong dala ng bookies, tinatangkilik ito ng mga mananaya dahil sa 20 porsiyentong diskuwento sa bawat pisong taya.

Ito ang dahilan kung bakit itinutulak ng bagong pamunuan ng Philracom ang pagiging Authority ng komisyon upang direktang matugunan ang problema sa operasyon ng bookies.

Ang GAB ay tumatanggap ng 10 porsiyento mula sa buwis ng nakokolekta sa mga  mananaya na walang natatanggap na proteksiyon sa ahensiya.

Kung pumapasok lang ang kita sa bookies sa mga OTB, malaking dibidendo ang makukuha ng mga mananaya sa bawat pisong taya.