By A Web Design Company

Mga paborito nagsipanalo

  • PDF

Source: Abante Tonite

Nagpakitang gilas na ang mga mabibigat na contenders ng darating na 2012 Triple Crown Series.

Nagsipanalo ang mga kabayong inaasahang magiging paborito sa nasabing serye, at nagpakita ng kanilang mga sariling galing sa dalawang malaking karera nitong Sabado at Linggo.

Unang nagpakita ng galing ang pambato ni Kenneth Causon na si Humble Riches, isa sa mga sensational na 2-year-olds noong nakaraang taon nang pagulungin niya ang kanyang mga kalaban sa kanyang pagbabalik sa pista sa Diamond Stakes II Stakes.

Nagpakita ng ibang diskarte ang 3-taong anak ni Tribal Rule kay Starlight Wish nang hindi ito sumabay sa unahan katulad ng kanyang nakahiligan noong siya'y lumalaban bilang isang juvenile.

Pinabayaan muna niyang mauna ang mga mabibilis na sina Posse Left at Time to Shine Dad at nasa tersero puwesto lang hanggang meday-milya.

Nang sumugod na si Humble Riches sa unahan, panandaliang nakipaglaban si Time To Shine Daad pero iniwan na siya ng una at nagsimulang lumayo papasok ng homestretch.

May anim na kabayo pa nang tumawid na nag-iisa si Humble Riches sakay ng regular na hineteng si Val Dilema para iproklamang handa na siya sa mayamang serye na magsisismula sa susunod na buwan.

Naorasan ito ng 1:41.6 na may quartos na 24'-25'-27 sa distansiyang 1,600 meters para angkinin ang pangunahing premyong P300,000.

Sumegundo si Cheese Blanca para kunin ang P112,500 habang tumagal naman para sa tersero si Time to Shine Dad at nakakuha ng P62,500.

Kahapon naman, malayong nanalo si Hagdang Bato ni Mayor Benhur Abalos Jr. sa Diamond III Stakes sakay ang kanyang regular rider na si Jockey Jonathan Hernandez.

Mas mabilis ang nailistang tiyempo nito ng patigilin ang orasan at 1:41 sa parehong distansyang 1,600 meters at may quartos na 24'-25'-27'.

ito ang ikaapat na panalo ni Hagdang Bato ngayong taon at napanatili ang malinis na rekord mula nang siya'y magkarera noon pang isang taon.

Pinauna muna ni Hagdang Bato ang kanyang mabilis na kalabang sina Yes Yes Yes, Golden Empire at Dancing Dolphin at hinayaang maglabanan ang mga ito hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Nagsimula itong mag-rally baho umikot ng far turn at nakuha ang unahan sa nagungunang si Golden Empire bago pumasok ng homestrech at nagsimula nang lumayo.

May anim na kabayo ang layo ni Hagdang Bato sa sumegundong si Patron. Tersero si Golden Empire habang pumang-apat naman si Chevrome.