By A Web Design Company

May magkakampeon ba?

  • PDF

Source: Abante Tonite

Bibihira ang mga pagkakataon sa mga horseowners na magkakaroon ng matitinding kabayong puwedeng ipanlaban sa mga malalaking karera.

Kaya kapag dumadating ang mga pagkakataong nagkakaroon sila ng mga quality horses ay ganu'n na lang ang paghahandang ginagawa.

Hindi porke't nagkampeon bilang 2-year old pista ay aasahan agad na maging kampeon sa papasukang 3-year-old championships tuland ng Triple Crown Series sa susunod na taon.

May mga exceptions tulad nina Silver Story, ang pinakahuling Triple Crown champion ng bansa na kampeon noong siya'y juvenile pa lamang.

Mas marami ang mga kabayong nag-improve sa pagiging 3-year olds at lalo pang naging mas magaling nang sumali sa malalaking pakarera tulad ng Triple Crown Series.

Enero pa lamang ay "ibinababa" na mula sa mga garms o kaya ay ibinabalik sa pista mula sa bakasyon sa kanilang mga stables ang mga 3-year -old contenders para sa maagang paghahanda.

Ang triple Crown Series kasi sa bansa ay nagsisismula sa Mayo habang dalawa pang legs ay isinasagawa sa Hunyo at Hulyo, hindi tulad sa Amerika na halos 15 araw lamang ang pagitan sa bawat leg.

Maagang isinasabak sa mga malalaking stakes races (na magsisilbing mga malalaking prep races) ang maraming kabayo upang makapag-impok ng malaking prize money na gagamitin sa pagpasok sa bawat leg ng mayamang serye na nagbibigay ng P1.8 million kada panalo.

Kapag nagkaroon kasi ng maraming sasali ay idinadaan sa winnings ang qualifications. 'Yung maraming prize winnings ang makakapasok sa Magic 14. 

Dahil sa dami ng hirap na pinagdadaanan ng mga contenders, ang makarating lang at makasali sa tatlong legs nito ay achievement na para sa mga may-ari at naghanda sa mga ito.

Sa Amerika nga ay mahigit isanlibo ang mga nominado pero 20 lang ang puwedeng makasali kapag dumating ang simula ng kanilang Triple Crown Series sa Kentucky Derby sa Churchill Downs. Ang dalawa pa nilang yugto ay pang Preakness Stakes sa Maryland at Belmont Stakes sa New York.

Hindi lang karangalan ang naghihintay sa makaka-sweep ng serye kundi tumataginting ding papremyong aabot sa P5.4 million.

Mahigit 11 taon na ang nakararaan nang manalo si Silver Story sa Triple Crown Series kaya maigting na ang hangarin hindi lang ng mga horseowners kundi ng mga karerista na magkaroon ng kampeon ngayong taon.

Makakakita kaya tayo ngayon?