By A Web Design Company

Escolta, posibleng makaulit sa SAP

  • PDF

Source: Balita

Walong karera ang aalagwa ngayong Lunes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang karera ay katatampukan ng Pick 5, Winner Take All at Pick 4 events na lalahukan ng Class Division race at ilan sa mga kalahok ang posibleng magbigay ng magandang dibidendo sa magsisipanalo sa iba't ibang event.

Sa race 1, posibleng makaulit mula sa magandang panalo ang Escolta ni Hermie Esguerra at ilan sa maaaring magbigay ng malaking laban ang Scout Ranger, Yes Papa para sa buena manong unang Pick 5 event.

Sa race 2 na magsisimula ang Winner Take All event, isang mainam na dehado ang Meadow's Lad at Pot Pot's Love, habang mahigpit ang laban na mangyayari sa Salinlahi, So it's you at Vanguard sa race 3.

Sa panimula naman ng 2nd Pick 5 sa race 4, apat sa walong kalahok ang dapat na isama sa listahan, ang Bangge, Supertitious, Intramuros at Farragut's Order, habang sa panimula naman ng Pick 4 event sa race 5 ay puwedeng isama ang War Alert, Yes Joey at My Jopeng.

Isama rin sa inyong paratingan sa race 6 and Dragon May, Tala sa Umaga at Dugo's Sprite, habang Amazing Damascus, Early Greeting at sharp Cookie naman sa race 7, at isama sa Super Six ang Silver Glides, Classic Belle, Terrible Marvin, All Out at El Gee Vee.

Good luck na lang sa inyo mga suking karerista.