By A Web Design Company

Kabayo sa Baguio (Part 2)

  • PDF

Source: Bandera

Inumpisahan ko ang kuwento kong ito noong Martes at narito ang karugtong.

Umakyat kami ng aking pamilya sa Baguio kamakailan, kasama ang aking dating asawa, si jockey Antonio "Oyet" B. Alcasid Jr. presidente ng New Philippine Jockey Association. Dahil kasama namin ang aming mga anak , nag-horseback riding kami sa Wright Park at Camp John Hay, na siyang tradisyunal na libangan ng mga turista sa naturang siyudad.

Ang mga kabayo sa Baguio ay mga native-breed "ponies" at hindi thoroughbred o mola na ginagamit sa karera. Kaya sila ay mas maliit, "stocky" o mala-kahon ang katawan at hindi sanay tumakbo ngunit sanay magbuhat ng mabibigat.

Ayon naman sa aking "pony boy" na si Fred, dahil wala naman silang kakayahan na bumili ng standard na gamit, gumagawa na lang sila ng kanilang bocado mula sa scrap metal.

Ang mga sapatos ng kabayo ay mula sa Pampanga o Batangas at gawa sa ordinaryong bakal na mabigat.

Bukod sa walang pinansiyal na kakayahan, wala rin silang mabilhan na gamit dahil wala namang nagbebenta roon, di tulad sa Maynila na may mga supplier ng tack, bukod sa nag-aangkat din ng sariling gamit ang mga horseowners.

Ayon din kay fred, dati silang mga pony boys ay inanyayahan ni horseowner at dating commissioner Atty. Vergel "Vey" Cruz na lumipat sa Maynila upang maging hinete. Ngunit wala raw sa kanilang interesado nang malaman na may height at weight requirement. Di raw nila kakayaning i-maintain ang kanilang timbang. Karamihan kasi sa tagaroon ay maskulado at mabigat dahil sa matinding exercise na panhik-panaod sa kanilang hilly terrain, di tulad sa Maynila na patag lamang.

Impressed si Fred sa galing ng mga farriers sa karera, na minsan ay nakita ng isang kasamahan niyang "in action" noong dumalaw ito sa karerahan. Kako, may ilang mga racing farriers kasi na napadala na sa New Zealand at Australia para sa training na kanila namang ipinamamahagi pagbalik nila rito.

Parang pangarap na lang, ani Fred, na magkaroon sila ng magandang gamit para sa kanilang mga ponies, mula bits hanggang horseshoes, at pati vet care tuland ng hoof trimming at dental filing.

Ang malaking bahagi ng income ng Baguio ay mula sa tourism. Iconic sa pastime na nga mga bisita roon ang pony rides sa Wright Park at Camp John Hay, ilang dekada na.

Dapat matuunan ng pansin ang kalagayan at kapakanan ng mga ponies doon, ang safety ng trail na ginagamit para sa animal welfare at safety ng riders, at upang ma-ensure rin na patuloy ang livelihood ng mga pony boys.

Karera lang - Walang personalan